Ruru Madrid, natawa matapos sabihin ng isang lolo kung sino ang hinahangaan niya
- Kumalat ang video clip na kuha sa Unang hirit kung saan kasama sina Ruru Madrid at Jon Lucas sa mga namahagi ng tulong sa nabahaang residente
- Isang matandang lalaki ang kanilang nakausap para bigyan ng telebisyon na tintnong ni Ruru kung nanonood daw ba siya ng Black Rider
- Sagot naman ng matanda, napanood niya noong umpisa pero ang hinahangaan daw niya ay si Coco Martin
- Makikita naman ang reaksiyon nina Ruru at Jon na natawa na lamang sa sinabi ng matanda
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Kumalat sa social media ang isang nakakaaliw na video clip mula sa programang Unang Hirit kung saan makikitang kasama sina Ruru Madrid at Jon Lucas sa pamamahagi ng tulong sa mga nabahaang residente. Ang naturang insidente ay naganap matapos ang sunud-sunod na pagbaha sa ilang lugar sa bansa na dulot ng malalakas na pag-ulan.
Sa video, makikita sina Ruru at Jon na nag-aabot ng mga pangunahing pangangailangan sa mga residente.
Isang matandang lalaki ang kanilang nakausap at binigyan ng isang telebisyon. Sa gitna ng kanilang usapan, tinanong ni Ruru ang matanda kung nanonood ba siya ng Black Rider, ang tanyag na serye kung saan siya ang bida.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Sumagot naman ang matanda na napanood niya ito noong umpisa, ngunit kaagad din niyang sinabi na ang tunay niyang hinahangaan ay si Coco Martin, isang kilalang aktor at bida sa seryeng katapat ng Black Rider. Dahil sa sagot ng matanda, hindi napigilang matawa nina Ruru at Jon sa sinabi nito. Ang reaksyon nila ay nagpamalas ng kanilang pagpapakumbaba at pag-unawa sa mga hilig ng kanilang mga tagahanga.
Ang insidenteng ito ay nagdulot ng saya sa mga netizens at mabilis na nag-viral sa social media. Maraming netizens ang nagkomento na nakakaaliw at nakakatuwa ang reaksyon nina Ruru at Jon. Ang iba pa nga ay nagpahayag ng kanilang paghanga sa pagiging sport ng mga aktor sa naturang sitwasyon.
Samantala, ngayong araw rin ang huling episode ng Black Rider matapos ang matagumpay na airing nito na tumagal ng mahigit walong buwan.
Si Coco Martin ay unang sumikat sa paggawa ng mga indie films. Siya ang bumida bilang si Cardo Dalisay sa defunct Kapamilya primetime show na FPJ's Ang Probinsiyano. Bukod sa pag-arte, isa na rin siya sa direktor ng nasabing teleserye na malapit nang umabot sa ikalimang taon nito simula nang una itong inere noong September 28, 2015.
Matatandaang ang bida ng "FPJ's Batang Quiapo" na si Coco Martin ay nagbahagi ng isang litrato mula sa kanilang biyahe sa social media kasama si Julia Montes.
Nagbigay naman komento si Coco sa social media personality at businessman na si Diwata. Naikwento rin niya kung paano niya ito nakumbinsi na maging bahagi ng FPJ Batang Quiapo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh