Kaila Estrada, binahagi ang picture ng amang si John Estrada na na-ospital

Kaila Estrada, binahagi ang picture ng amang si John Estrada na na-ospital

- Binahagi ni Kaila Estrada ang picture na kuha sa ospital kung saan makikitang nakahiga sa hospital bed ang ama niyang si John Estrada

- Kasama sa binahaging picture ni Kaila ang kanyang kapatid na si Yna Estrada

- Hindi naman malinaw pa kung ano ang dahilan ng kanyang pagkaka-ospital

- Matatandaang kamakaila'y naging mainit na usap-usapan sa social media ang komento ng asawa ni John na si Priscilla Meirelles

Isang post ang ibinahagi ni Kaila Estrada sa social media kung saan makikita ang kanyang amang si John Estrada na nakahiga sa isang hospital bed. Kasama sa larawan ang kanyang kapatid na si Yna Estrada, na nakaupo sa tabi ng kanilang ama.

Kaila Estrada, binahagi ang picture ng amang si John Estrada na na-ospital
Kaila Estrada, binahagi ang picture ng amang si John Estrada na na-ospital
Source: Instagram

Bagama't hindi pa malinaw kung ano ang eksaktong dahilan ng pagkaka-ospital ni John, marami ang nagpaabot ng kanilang dasal at suporta para sa kanyang agarang paggaling.

Matatandaang kamakailan lamang, naging mainit na usap-usapan sa social media ang mga komento ng asawa ni John na si Priscilla Meirelles. Ang mga komento ni Priscilla ay nagdulot ng maraming spekulasyon at dagdag na interes mula sa publiko tungkol sa estado ng pagsasama nila ng aktor.

Read also

Herlene Budol, bumwelta matapos siyang sabihang ugaling kalye

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kaila Estrada, binahagi ang picture ng amang si John Estrada na na-ospital
Kaila Estrada, binahagi ang picture ng amang si John Estrada na na-ospital
Source: Instagram

Samantala, marami ang nag-aabang ng karagdagang balita tungkol sa kalusugan ni John. Ang kanyang mga tagahanga ay patuloy na nagdarasal at umaasa na magiging maayos ang kalagayan ng kanilang idolo.

Si John Estrada ay isang kilalang aktor, host, at modelo sa Pilipinas. Siya ay naging tanyag sa larangan ng showbiz dahil sa kanyang husay sa pag-arte at pagpapatawa. Kilala siya sa kanyang mga papel sa telebisyon at pelikula, pati na rin sa pagiging host ng mga variety at talk shows.

Muling lumikha ng ingay si Miss Earth 2004 Priscilla Meirelles matapos ang kanyang makahulugang komento sa post ng mister niyang si John Estrada. Sinagot niya ang tanong ng isang netizen kung sino daw kina 'Lena at Marites' ang kasama ni 'Rigor. Sinagot ni Priscilla ito sa pamamagitan ng pagbanggit ng IG handle na Lily Hallman_ kalakip ang isang laughing emoji. Nagkomento pa ito na 'Looking very divorced' daw si John at muli ay kalakip ang IG handle na Lily Hallman_ .

Read also

Taho vendor na sinubukang maglako sa kasagsagan ni 'Carina,' hinangaan ng marami

Kasunod ng kanyang matapang na komento sa post ni John Estrada, sunod-sunod ang makahulugang mga post ni Priscilla Meirelles. Kasalukuyang nasa ibang bansa sila ng anak niyang si Anechka habang nasa Pilipinas naman si John base sa kanyang pinakahuling Instagram post.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate