Video kung saan tinawag na 'sir' si Vice Ganda, umani ng komento

Video kung saan tinawag na 'sir' si Vice Ganda, umani ng komento

- Binatikos ng netizens ang Cebu-based LGBTQIA+ writer dahil sa pagagalit sa food server na tumawag sa kanya ng "Sir"

- Ikinumpara ng netizens ang insidente sa karanasan ni Vice Ganda na tinawag ding "Sir" pero tinanggap lang niya ito nang walang galit

- Naglabasan ang mga videos, memes, at art cards tungkol sa insidente ni Vice Ganda sa "It's Showtime"

- Patuloy pa rin ang bashing sa nasabing writer kahit naglabas na siya ng official statement tungkol sa isyu

Sa gitna ng kontrobersiya na kinasasangkutan ng isang Cebu-based LGBTQIA+ writer, lumitaw muli ang isang insidente na ikinumpara ng mga netizens kay Vice Ganda. Ang nasabing writer ay binabatikos online matapos niyang pagalitan ang isang food server na tumawag sa kanya ng "Sir."

Video kung saan tinawag na 'sir' si Vice Ganda, umani ng komento
Video kung saan tinawag na 'sir' si Vice Ganda, umani ng komento
Source: Youtube

Dahil dito, naglabasan ang mga videos, memes, at art cards na naglalarawan ng kaparehong karanasan ni Vice Ganda. Sa isang episode ng "Everybody Sing," kahit na kuntodo makeup, wig, bonggang dress, at heels na suot ni Meme Vice, tinawag pa rin siyang "Sir" ng isang contestant. Ngunit imbis na magalit, biniro lamang ni Vice ang lalaking tumawag sa kanya ng "Sir" at nagkomento ng, "I don’t mind kung tawagin akong sir, di naman ako na-offend diyan."

Read also

Lolo, umantig sa puso ng marami dahil sa handog na awitin sa kanyang misis

Dahil sa pagkakaibang ito ng reaksyon, mas lalong binatikos ng online community ang nasabing transwoman.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Samantala, naglabas na ng official statement ang kontrobersiyal na personalidad tungkol sa mga puna sa kanya ng mga netizens, ngunit patuloy pa rin ang natatanggap niyang bashing.

Ang insidenteng ito ay nagdulot ng malawakang diskusyon sa social media tungkol sa pagkilala at pagrespeto sa gender identity ng bawat isa, at kung paano dapat humarap sa mga ganitong sitwasyon ng may pag-unawa at respeto.

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Read also

Tito Mars, naghayag ng kanyang opinyon sa isyu ni Jude Bacalso

Kinaaliwan si Kim Chiu matapos ibuking ni Vice Ganda na konting kibot daw naiiyak si Kim Chiu.

Kinaaliwan din ang biruan nina Vice Ganda at Jhong Hilario sa Isip Bata segment ng It's Showtime. Pabirong sinabi ni Vice Ganda sa madlang people na i-mass report si Jhong.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate