Sarina Hilario sa tuwing papasok sa trabaho si Daddy Jhong: "I cry"

Sarina Hilario sa tuwing papasok sa trabaho si Daddy Jhong: "I cry"

- May pag-amin si Sarina sa tuwing aalis para magtrabaho ang amang si Jhong Hilario

- Sa kanyang bagong vlog, naitanong din kay Sarina kung ano ang nagpapalungkot sa kanya

- Marami ang naaaliw sa mga videos ni Sarina lalo na sa kanyang pagkanta at pagsayaw

- At ngayon, mayroon na rin siyang sa Sarina TV kung saan mayroon siyang mga panauhin na nakakapanayam

Hindi napigilan ni sarina Hilario na isiwalat ang kanyang saloobin tungkol sa pagpasok sa trabaho ng kanyang Daddy Jhong.

Sarina Hilario sa tuwing papasok sa trabaho si Daddy Jhong: "I cry"
Sarina Hilario sa tuwing papasok sa trabaho si Daddy Jhong: "I cry" (Sarina Oceanía Azores Hilario/ Jhong Hilario)
Source: Facebook

Sa bagong episode ng Sarina TV kung saan nakasama niya ang pinsang si Kute, doon nasabi niya ang nararamdaman sa tuwing aalis ang ama para sa trabaho.

"When Daddy goes to work, I cry," sagot ni Sarina nang matanong din siya ng kanyang panauhin kung ano ang nakapagbibigay sa kanya ng lungkot.

Ipinaliwanag din ng kanyang pinsan kung bakit kailangang umalis ng kanyang Daddy Jhong gayung para rin ito sa kanya at sa kanyang mommy.

Read also

Ninong Ry, pinakita ang sitwasyon ng bahay na pinasok ng tubig baha

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matatandaang bago pa man magkaroon ng sariling channel si Sarina, madalas na mapanood ang mga videos nila ng kanyang Daddy Jhong na laging magkasama.

Samantala, narito ang kabuuan ng video mula sa Sarina Hilario TikTok:

Si Sarina Oceanía Azores Hilario ay anak ng It's Showtime host na si Jhong Hilario at partner nitong si Maia Azores. Agaw-pansin ang mga father and daughter videos nina Jhong at Sarina dahil lalo na ang kahanga-hangang pagkanta ni Sarina sa mura niyang edad.

Matatandaang naglabas na ng music video si Sarina sa awitin ni Frank Sinatra ang 'Fly me to the moon.' Bukod sa awiting ito, madalas din niyang kantahin ang "Moon River" at marami pang iba. Malimit na magbahagi si Jhong ng video ng kanyang anak na talaga namang kinaaliwan ng netizens dahil sa pagiging biba nito.

Read also

Toni Gonzaga, naka-relate kay Kier Garcia: "Banlag din ako!"

Nang magdiwang ng kanyang 3rd birthday si Sarina, pinili nilang ibahagi ang kanyang mga biyayang natatanggap sa mga batang ulila na nasa pangangalaga ng isang orphanage sa San Juan. Makikita ang saya ni Sarina sa pagbibigay saya rin sa mga batang nakasama niya sa kanyang espesyal na araw. Matatandaang kamakailan, kinagiliwan din ng marami ang video ni Sarina sa meet and greet niya sa paborito niyang grupo, ang BINI.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica