Josh at Bimby, agad bumalik sa US matapos makatanggap ng mensahe mula kay Kris Aquino
- Kinailangang bumalik nang mabilis sa Amerika sina Josh at Bimby Aquino matapos makatanggap ng mensahe mula kay Kris Aquino
- Ayon kay Dindo Balares, maraming tao ang umaasa na magtatagal si Bimby sa Pilipinas dahil sa naunang anunsyo ni Kris
- Nagkaroon ng urgent na mensahe si Kris na nagsabi ng "sad blood results," na nagbigay-daan sa mabilis na pagbabalik ng magkapatid sa US
- Sinabi ni Balares na kahit nasiyahan si Bimby sa Pilipinas at handa na para sa kanyang showbiz career, inuna ni Bimby ang mapuntahan ang kanilang mama
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Kinailangang kaagad bumalik sa Amerika nina Josh at Bimby Aquino matapos makatanggap ng mensahe mula kay Kris Aquino, ayon sa ibinahagi ng dating entertainment editor na si Dindo Balares.
Ayon kay Balares, maraming tao ang umaasa na magtatagal sa Pilipinas si Bimby, dahil sa naunang anunsyo ni Kris sa isang interview kasama si Ogie Diaz sa kanilang bahay sa Orange County, California.
Bukod sa paghahanda para sa papasukang paaralan, sinimulan na rin ang mga negosasyon para sa karera ni Bimby sa entertainment industry. Maraming followers nila ang nagtataka at nagtatanong kung bakit mabilisan ang pagdating at pagbalik nila sa US ni Bimby kasama si Kuya Josh.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Masaya si Bimby sa kanyang pagbisita sa Pilipinas, at makikita sa mga post ng kanyang mga kamag-anak at kaibigan ang kanyang kasiyahan. Ayon kay Balares, noong nagkita sila, excited na nagtanong si Bimby tungkol sa mga kaedad na posibleng makatrabaho sa show business.
Ngunit ayon kay Balares, nagkaroon ng urgent na mensahe mula kay Kris na nagbigay-daan sa kanilang mabilis na pagbabalik sa US: "I have sad blood results. "
Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senador Ninoy Aquino. Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.
Sinagot ni Kris ang komento ni Vice Governor Marc Leviste sa kanyang Instagram post. Aniya, pinagpapasalamat niya ang lahat ng ginagawa para sa kanya ni VG Marc pero pinapaalalahanan niya daw ito palagi na mahalaga ang tungkulin niya sa kanyang nasasakupan. Humingi din siya ng pasensya sa mga Batangueño dahil sa oras na iginugugol sa kanya ni VG Marc. Aniya pa, hindi niya na ito gagambalain para makapag-focus na sa kanyang pagseserbisyo sa mga taga-Batangas.
Ayon kay Kris Aquino, nagpapasalamat siya na marami ang nagsasabing gusto nilang bumalik sa showbiz si Kris. Gayunpaman, aniya ay tanggap na ng kanyang puso't isip na hindi na kakayanin ng kanyang katawan na bumalik siya sa pagtatrabaho. Ito ang kanyang sagot sa isang netizen na nagkomento sa kanyang post at nagsabing hinihintay nito ang pagbabalik ni Kris. Ayon pa kay Kris walang lunas ang sakit niyang Churg Strauss o kilala din bilang EGPA.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh