Heart Evangelista, sinagot ang komento sa video kung saan sinasabing may buhok daw sa kili-kili

Heart Evangelista, sinagot ang komento sa video kung saan sinasabing may buhok daw sa kili-kili

- Sinagot ni Heart Evangelista ang tanong tungkol sa pagkakaroon niya ng buhok sa kilikili sa isang TikTok video

- Sa video, itinaas ni Heart ang kanyang mga kamay para sa pagbati, na nagbigay daan sa tanong ng netizen kung bakit parang may buhok siya sa kilikili

- Nilinaw ni Heart na matagal na siyang nagpa-laser at wala na siyang buhok sa kilikili

- Ayon kay Heart, kahit na mayroon siyang buhok, wala siyang pakialam at hindi ito magiging problema para sa kanya

Sinagot ni Heart Evangelista ang tanong ng isang netizen hinggil sa isyung may buhok umano siya sa kilikili. Ang tanong ay lumabas sa isang TikTok video kung saan makikita si Heart na palabas mula sa isang building at tinawag ng isang fan.

Heart Evangelista, sinagot ang komento sa video kung saan sinasabing may buhok daw sa kili-kili
Heart Evangelista, sinagot ang komento sa video kung saan sinasabing may buhok daw sa kili-kili
Source: Instagram

Habang ngumiti si Heart at itinaas ang kanyang dalawang kamay para sa pagbati, may isang netizen na nagkomento, “Bakit parang may buhok akong nakita?” sa video.

Read also

Ogie Diaz, pinayuhan si Willie Revillame matapos ang sunod-sunod na kontrobersiya

Sa kanyang sagot, nilinaw ni Heart na wala siyang kahit isang hibla ng buhok sa kilikili dahil matagal na siyang nagpa-laser. "I had laser underarms when I was 20 darling so I wouldn’t have a single strand. But if I did I wouldn’t care too," ang pahayag ni Heart sa kanyang TikTok video.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Heart Evangelista, sinagot ang komento sa video kung saan sinasabing may buhok daw sa kili-kili
Heart Evangelista, sinagot ang komento sa video kung saan sinasabing may buhok daw sa kili-kili
Source: Instagram

Si Heart Evangelista ay isang kilalang Filipino actress, model, at philanthropist. Ipinanganak noong February 14, 1985. Bukod sa kanyang karera sa showbiz, naging parte si Heart ng mga philanthropic activities at proyekto. Siya rin ay may mga social media platforms kung saan aktibo siya sa pagbibigay ng updates tungkol sa kanyang buhay personal at professional.

Matatandaang sa isang Instagram post ni Heart kung saan binahagi niya ang kanyang fashion style, bumuhos ang mga positibong komento. Marami ang napabilib sa talento at husay ni Heart pagdating sa kanyang pananamit. Gayunpaman, isang netizen ang nagkomento na nababaliw na daw ang aktres dahil wala itong anak. Hindi naman ito pinalampas ni Heart at hindi na nakasagot ang naturang basher matapos siyang kuyugin ng mga followers ni Heart.

Read also

Ice Seguerra, sinagot ang komento sa kanyang black & white picture

Binahagi ni Heart Evangelista na nag-iipon siya para sa binabalak niyang pagbili ng tirahan sa Paris. Dahil sa kanyang trabaho lalo na sa kanyang pagdalo sa fashion week kaya niya naisipang bumili ng kanyang sariling matitirhan. Aniya, kung bibilangin ay malaki din ang ginagastos niya para sa kanyang accommodation sa tuwing pumupunta siya sa Paris. Matatandaang maraming pagkakataon na rin na naiimbitahan si Heart sa iba't-ibang fashion events sa ibang bansa kabilang na sa sikat na sikat na Fashion Week.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate