Ogie Diaz, may payo sa BINI kaugnay sa kanilang 'Jabbawockeez' ootd

Ogie Diaz, may payo sa BINI kaugnay sa kanilang 'Jabbawockeez' ootd

- Nagbigay pahayag si Ogie Diaz kaugnay sa naisipang isuto ng BINI patungo sa GenSan

- Matatandaang naging usap-usapan ito kamakailan dahil minsan nang napuna umano ang BINI na noo'y pagsusuot lamang ng medical

- Makabuluhan ang naging payo sa kanila ni Ogie lalo na at matagal na ito sa showbiz

- Ang BINI ay ang sikat ngayong PPop group sa likod ng ilang awitin gaya ng "Lagi", "Karera," "Pantropiko," "Salamain, salamin" at "Cherry on Top"

Ogie Diaz may payo sa BINI
Ogie Diaz, may payo sa BINI kaugnay sa kanilang 'Jabbawockeez' ootd (BINI_ph)
Source: Facebook

Maging si Ogie Diaz ay nagbigay ng kanyang komento ukol sa mala-Jabbawockeez outfit ng grupong BINI nang sila'y patungong GenSan.

Gumulantang noon sa publiko ang suot ng BINI na tila tugon nila sa bashers na minsang pinuna ang pagsusuot nila ng face mask.

"Well, kung gusto kong ma-bash e ang sasabihin ko diyan sana hindi ganon. Sana ginawa pa rin nila yung normal. Na 'wag na silang mag-Jabbawockeez. na sana ay lumakad na sila, hayaan niyo yung mga tao. Kasi we really cannot please everybody," panimula ni Ogie.

Read also

Toni Gonzaga, naka-relate kay Kier Garcia: "Banlag din ako!"

"So hayaan niyo lang go with the flow lang. the mere fact na napapansin kayo, at nakakaapekto kayo ng buhay ng iba, in na in pa rin kayo."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Pero ako ha, sa tagal ko rito sa industriya, 'Pag lagi silang nakaganoon, baka naman magsawa 'yung mga tao."

"Tingnan mo ha, gusto niyo ba sa stage lang kayo makita, yung buong mukha niyo... Kayo rin mismo magkakaroon ng mental health issue."
"Alam niyo sa sarili niyo na hindi niyo gusto yung ginagawa niyo."
"Ang tagal niyong trinabaho 'yan para makarating kayo sa tuktok. Mas maganda pagbaba niyo from eroplano, hi-hello! Edi magtalaga na lang kayo ng mga marshalls na aawat sa mga magma-mob sa inyo."
"Ang importante nakita nila kayo."
"Okay na yung one time nang-inis lang kayo ng bashers. 'Yung susunod, sana pag-BLOOMS ang nakakita sa inyo at yung mga legit na mga fans niyo, deserve nilang makita ang mga mukha niyo"

Read also

TikTok star Kier Garcia, may nakakaantig pusong kwento bakit madalas mamigay ng pagkain

"Namnamin niyo 'yung pinaghirapan niyo yung kaway nila. Pinaghirapan niyo yung tili nila. Pinaghirapan niyo yung paghanga nila sa inyo."

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Ang BINI ay isang popular na Pinoy Pop girl group sa Pilipinas. Binubuo ito nina Aiah, Mikah, Colet, Stacey, Gwen, Maloi, Jhoanna at Sheena. Sila ang grupo sa likod ng mga awiting "Pantropiko", "Salamin," "Huwag muna tayong umuwi" at marami pang iba.

Matatandaang minsan nang napuri ni Karen Davila ang grupo. Bukod umano sa husay ng mga ito sa kanilang larangan, kahanga-hanga ang kwento ng buhay ng bawat isa bago nila matamasa ang tagumpay ngayon. Sa naturang panayam din ni Karen sa grupo, naikwento ni Sheena ang pagpanaw ng ina sa kalagitnaan ng pandemic habang siya ay nasa training Star Hunt Academy.

Kamakailan, matagumpay nilang nadaos ang 3-day concert sa Quezon City na sinundan ng ilan pang mga BINIverse shows sa Baguio, Cebu at ngayo'y sa GenSan. Ilang araw lamang mula nang ilabas nila ang official music video ng bago nilang awitin na 'Cherry on top' sa YouTube, pumalo na ito sa 10 million views.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica