Toni Gonzaga, naka-relate kay Kier Garcia: "Banlag din ako!"

Toni Gonzaga, naka-relate kay Kier Garcia: "Banlag din ako!"

- Tila naka-relate umano si Toni Gonzaga sa natatamong puna ng TikTok star na si Kier Garcia

- Aniya, madalas din daw siyang masabihan ng banlag

- Naikwento rin ni Toni bakit siya nasasabihan ng ganito

- Si Kier ay nakilala sa TikTok na ang madalas niyang content ay ang mga pagkain sa kanilang lugar

Nagulat si Toni Gonzaga nang malamang pareho ang naipupuna ng publiko sa kanila ng TikTok star na si Kier Garcia.

Toni Gonzaga, naka-relate kay Kier Garcia: "Banlag din ako!"
Toni Gonzaga, naka-relate kay Kier Garcia: "Banlag din ako!" (Toni Gonzaga Studio)
Source: Youtube

Sa panayam niya kay Kier, nabanggit nitong madalas umano siyang masabihan ng 'banlag.'

"Sinasabihan ka ring banlag? Banlag din ako!" natatawang reaksyon ni Toni kay Kier.

Ipinaliwanag din ni Toni bakit napuna ito sa kanya.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Kaya ako naging banlag dahil sa hosting ko. Kasi dati wala namang prompter. Dati cartolina o manila paper. Tapos ididikit 'yun sa tabi ng camera. O pano ka magho-host tapos babasahin mo 'yun. So dapat yung isang mata mo nakatingin sa camera, yung isa nagbabasa," paliwanag ni Toni.

Read also

Rosmar, ibinibenta na umano ang kanyang R Mansion and Restobar sa Laguna

Si Kier Garcia ay mas kilala bilang si Fhukerat sa TikTok. Madalas niyang mai-content ay tungkol sa mga pagkaing naibabahagi niya sa kanyang pamilya at mga kaibigan.

Samantala, narito ang kabuuan ng panayam ni Toni kay Kier mula sa Toni Gonzaga Studio YouTube:

Isa ang Toni Tolks sa mga pinakaaabangang YouTube channel dahil sa mga makabuluhang interviews ni Toni Gonzaga- Soriano sa mga taong inspirasyon ang dala ng kanilang mga kwento.

Isa na rito ang social media personality na si Diwata na minsan na rin umanong na-interview ni Toni. Doon naikwento ni Diwata na ang dati niyang nakaalitan ay isa na ngayong empleyado sa kanyang paresan. Bukod sa umano'y nagkaayos na sila, natulungan pa niya ito na magkaroon ng kabuhayan.

Gayundin ang panayam ni Toni sa ama ng triplets na naulila sa ina. Halos umpisa pa lang ng panayam ay napakuha na rin ng tissue si Toni na umapaw na rin ang emosyon sa mga naibabahagi ni Joel. Malaki ang pasasalamat ni Joel sa mga taong sumuporta at patuloy na tumutulong sa kanya. Na bagama't matindi ang kanyang pinagdaanan, marami ang nagpaabot ng pagmamalasakit sa kanya at higit sa lahat sa kanyang mga anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica