Ana Ramsey, nagsalita matapos ang komento sa kanya bilang bahagi ng Wil To Win

Ana Ramsey, nagsalita matapos ang komento sa kanya bilang bahagi ng Wil To Win

- Tiniyak ni Ana Ramsey na masaya siya sa kanyang kinalalagyan ngayon matapos madawit sa kontrobersiya kaugnay ng pagra-rant ni Willie Revillame sa "Wil To Win" sa TV5

- Nag-viral sa social media ang mga video clips ng "Wil To Win" na nagpapakita kay Willie na nanenermon ng staff at nagrereklamo ng pagod

- Binatikos ng netizens si Willie dahil sa hindi magandang asal nito sa show, at kasama sa napupuna ay si Ana Ramsey bilang isa sa mga co-host

- May mga netizens na pumuna kay Ana sa kanyang paglipat sa "Wil To Win" ngunit marami pa rin ang pumupuri sa kanyang pagiging energetic na co-host

Ipinahayag ni Ana Ramsey na kontento siya sa kanyang kasalukuyang estado, kasunod ng pagkakasangkot niya sa isang kontrobersiya dulot ng pagra-rant ni Willie Revillame sa kanyang variety-game show na "Wil To Win" sa TV5.

Read also

Chad Kinis, tinanghal na kauna-unahang champion ng LOL Philippines

Ana Ramsey, nagsalita matapos ang komento sa kanya bilang bahagi ng Wil To Win
Ana Ramsey, nagsalita matapos ang komento sa kanya bilang bahagi ng Wil To Win
Source: Instagram

Nag-viral sa social media ang ilang video clips mula sa "Wil To Win," na nagpapakita kay Willie habang pinapagalitan ang staff at nagrereklamo ng pagod, sa kabila ng bagong simula pa lamang ng show sa TV5.

Dahil dito, umani si Willie ng maraming batikos mula sa netizens, na nagsabing hindi maganda ang ipinakikita niyang asal sa show. Kasama sa mga napuna ay si Ana Ramsey, isa sa mga co-host ni Willie, na nadamay sa isyu.

Tinatanong ngayon ng netizens kung nagsisisi ba si Ana sa kanyang desisyon na lumipat sa show ni Willie.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nagbigay si Ana ng kanyang reaksyon sa isyu sa pamamagitan ng kanyang social media account. Sa isang post sa X noong July 19, 2024, sinabi niya, “Masaya ako, sana kayo din po. Good night.”

May ilang netizens na nagbigay ng words of encouragement kay Ana.

Read also

Jennylyn Mercado, nagbigay pahayag ukol sa nababalitang alok umano ng ABS-CBN

Noong May 10, 2024, nag-anunsyo si Ana na lilisanin na niya ang "Showtime Online U."

Bago ang "Wil To Win," nakilala si Ana bilang isa sa regular hosts ng "Showtime Online U," ang online show ng ABS-CBN noontime show na "It’s Showtime."

Nagbigay ng reaksyon si Willie Revillame sa mga usaping may kinalaman sa ratings ng iba't ibang palabas. Sa isang episode ng "Wil To Win", ipinakita ni Willie na ang audience ang kanilang tunay na sukatan ng tagumpay.

Usap-usapan ang naging pahayag ni Willie Revillame sa bagong programa niyang “Wil To Win”. Dito ay pinuri niya si Coco Martin na inilarawan niya bilang sobrang bait .Binanggit niya ang buong pamilya daw ni Coco, Julia Montes at mga anak nila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate