Kris Aquino, uuwi na sa Pilipinas sa September ayon kay Bimby

Kris Aquino, uuwi na sa Pilipinas sa September ayon kay Bimby

- Ibinahagi ni Bimby Aquino na uuwi na sa Pilipinas si Kris Aquino matapos ang dalawang taong gamutan sa US

- Sinabi ni Bimby na inaasahan nilang makakabalik si Kris sa Setyembre o pinakamatagal na ang Oktubre at masaya siyang muling makakasama ang pamilya

- Bumubuti na ang lagay ni Kris ayon kay Bimby, ngunit kailangan pa rin ng sipag at dedikasyon para maging lubos na malusog

- Si Bimby ang mag-aalaga sa kanyang ina pagbalik nila sa Pilipinas, katulad ng ginawa niya habang nasa US sila

Sa selebrasyon ng ika-50 kaarawan ni Biñan Rep. Len Alonte-Naguiat noong Lunes sa Shangri-La at The Fort, masayang ibinahagi ni Bimby Aquino ang balitang pagbabalik ng kanyang ina matapos ang dalawang taong gamutan sa US para sa kanyang mga komplikadong auto-immune diseases.

Kris Aquino, uuwi na sa Pilipinas sa September ayon kay Bimby
Kris Aquino, uuwi na sa Pilipinas sa September ayon kay Bimby
Source: Instagram

Sa ulat ni Büm D. Tenorio Jr. ng Philstar, sinabi ni Bimby na Setyembre uuwi ang kanyang mama ngunit maari ding umabot ng Oktubre.

Read also

Anjo Yllana, pinaliwanag ang nangyari sa nakaraang isyu kay Rustom Padilla

Idinagdag pa ni Bimby na siya ang mag-aalaga sa kanyang ina kapag nakabalik na sila sa Pilipinas, katulad ng ginawa niya sa US.

Matatandaang unang na-diagnose ng chronic spontaneous urticaria si Kris na kalaunan ay nagkaroon ng komplikasyon ng erosive gastritis at gastric ulcer noong Marso 2022. Nagsimula siyang magpagamot sa US noong Hunyo 2022 at nanatili doon mula noon.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senador Ninoy Aquino. Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Sinagot ni Kris ang komento ni Vice Governor Marc Leviste sa kanyang Instagram post. Aniya, pinagpapasalamat niya ang lahat ng ginagawa para sa kanya ni VG Marc pero pinapaalalahanan niya daw ito palagi na mahalaga ang tungkulin niya sa kanyang nasasakupan. Humingi din siya ng pasensya sa mga Batangueño dahil sa oras na iginugugol sa kanya ni VG Marc. Aniya pa, hindi niya na ito gagambalain para makapag-focus na sa kanyang pagseserbisyo sa mga taga-Batangas.

Read also

John Estrada, tinanong si Lorna Tolentino: "Ang pag-ibig ba kahit mali, pwede ipaglaban?"

Ayon kay Kris Aquino, nagpapasalamat siya na marami ang nagsasabing gusto nilang bumalik sa showbiz si Kris. Gayunpaman, aniya ay tanggap na ng kanyang puso't isip na hindi na kakayanin ng kanyang katawan na bumalik siya sa pagtatrabaho. Ito ang kanyang sagot sa isang netizen na nagkomento sa kanyang post at nagsabing hinihintay nito ang pagbabalik ni Kris. Ayon pa kay Kris walang lunas ang sakit niyang Churg Strauss o kilala din bilang EGPA.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate