Bia, may nakakaantig na papuring nasabi sa kanyang Daddy Ray

Bia, may nakakaantig na papuring nasabi sa kanyang Daddy Ray

- Umantig sa puso ng marami ang papuri ni Baby Bia sa kanyang Daddy Ray

- Sa bagong video ni Zeinab, makikita kung gaano ka-close si Ray Parks Jr. sa mga anak ni Zeinab

- Bukod kay Ray Parks, napuri rin ni Bia ang kanyang Kuya Lucas

- Matatandaang engaged na kamakailan sina Zeinab at Ray Parks Jr.

Marami ang natuwa sa hindi inaasahang nasabi ni Bia Harake sa kanyang Daddy Ray Parks Jr.

Bia, may nakakaantig na papuri na nasabi sa kanyang Daddy Ray Parks
Bia, may nakakaantig na papuri na nasabi sa kanyang Daddy Ray Parks (Zeinab Harake)
Source: Youtube

Sa pinakabagong vlog ni Zeinab kung saan ipinakita niya ang behind the scenes ng birthday photoshoot ng panganay niyang si Lucas, makikita rin kung gaano kalapit si Bia sa kanyang Daddy Ray.

Habang naghahanda sina Zeinab at Lucas sa naturang shoot, si Ray Parks Jr. naman ang kasama ni Bia habang ito ay kumakain.

Doon nabanggit ni Bia na nais niyang bilhan ng toy ang kapatid na si Lucas.

Read also

Pauleen Luna, pinakita ang kanilang movie night kasama sina Tali at Bossing

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Because Kuya Lucas is a good boy like you Daddy," ani Bia.

"Wow! You're a good girl like Mommy," sagot naman ng kanyang Daddy Ray.

Dahil dito, maging ang netizens ay natuwa sa pagiging sweet ni Bia sa kanyang Daddy Ray:

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Grabe yung comfortable ng mga bata kay Ray halatang good influence at caring father and caring soon to be husband talaga siya talaga siya"
"Bia is so adorable"
"Oh Bia! sobrang bata mo pa pero alam mo na kung gaano kabuti si Kuya Lucas at Daddy Ray mo."
"Swerte ni Zeinab at swerte rin si Daddy Ray sa family ni Zeinab"

Narito ang kabuuan ng vlog mula sa YouTube channel ni Zeinab Harake:

Si Zeinab Harake ay isa sa mga kilalang YouTuber content creators sa bansa na mayroon nang 14.1 million subscribers sa kanyang channel. Isa sa malaking break ni Zeinab noong taong 2023 ay ang pagkakaroon ng pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival. Ito ay ang "Kampon" na pinagbibidahan ni Derek Ramsay at Beauty Gonzales.

Read also

Pokwang, nagdetalye ng pinagdaanan kay Lee O' Brian: "Binuhusan niya ako ng tubig"

Samantala, patuloy na kinagigiliwan ang mga vlogs ni Zeinab lalo na kung kasama niya ang kanyang mga anak na sina Lucas at Bia. Gayundin ang kanyang boyfriend na si Ray Parks Jr. na hayagang ipinakikita kung gaano kahalaga si Zeinab at mga anak nito sa kanya.

Matatandaang sa isang vlog ni Zeinab, minsan na nilang naging biruan ni Bobby Ray Parks Jr. na tinatawag din nilang 'Daddy Ray' ang pagpapakasal. Umagaw din ng atensyon ang umano'y pagtawag ni Ray kay Zeinab na "asawa ko." Maging ang kulitan nila sa pagsasabing "i-announce na natin." Nabanggit din ni Zeinab ang mga katagang 'ready ka na ba sa prenup?' at maging ang tungkol umano sa 'wedding song.' At kamakailan nga, ay engaged na sina Zeinab at Ray Parks Jr.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica