Anjo Yllana, pinaliwanag ang nangyari sa nakaraang isyu kay Rustom Padilla

Anjo Yllana, pinaliwanag ang nangyari sa nakaraang isyu kay Rustom Padilla

- Ipinaliwanag ni Anjo Yllana ang isyu sa pagitan nila ni Rustom Padilla sa isang kamakailang panayam kay Morly Alinio

- Nagsimula ang isyu sa set ng Palibhasa Lalake noong dekada 90 dahil sa isang linya na pinasabi ng kanilang assistant director

- Ang make-up artist ang nagsumbong kina Carmina Villarroel at Rustom Padilla na magkasintahan noong panahong iyon

- Sinabi ni Anjo na rehearsal lamang iyon at walang intensyong manakit ngunit nagsimula na ang alitan at nagkaroon ng "away" dahil magkapitbahay sila ni Robin Padilla

Ipinaliwanag ni aktor Anjo Yllana ang nangyari sa nakaraang isyu sa pagitan nila ni Rustom Padilla, na ngayon ay kilala na bilang BB Gandanghari.

Anjo Yllana, pinaliwanag ang nangyari sa nakaraang isyu kay Rustom Padilla
Anjo Yllana, pinaliwanag ang nangyari sa nakaraang isyu kay Rustom Padilla
Source: Youtube

Si Rustom ay kabilang sa isa sa mga pinakasikat na showbiz clan sa industriya ng aliwan sa Pilipinas. Noong dekada 90, tulad ng kanyang mga kapatid, siya ay kilalang action star at gumawa ng ilang pelikulang puno ng aksyon. Gayunpaman, noong mga panahong iyon, kumalat ang mga usap-usapan tungkol sa kanyang pagkakakilanlan sa kasarian.

Read also

Priscilla Meirelles, makikipagmeeting na raw sa kanyang abogado

Kaugnay ng mga tsismis na iyon, nagkaroon ng alitan sa pagitan nina Rustom at Anjo na nagsimula sa set ng sikat na sitcom noong 90s na Palibhasa Lalake.

Sa isang kamakailang panayam sa YouTube channel ng showbiz insider na si Morly Alinio, inilahad ni Anjo Yllana kung paano nagsimula ang isyu. Ipinaliwanag niya na sa sitcom, ang kanilang assistant director (AD) ang nag-uutos ng script reading at rehearsal bago aktuwal na i-shoot ng direktor ang eksena.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ikinuwento ni Anjo na madalas magdagdag ng mga linya ang kanilang AD at sanay na sila rito. Bago ang take, nagre-rehearse sila. Sinabi ng kanilang AD na sabihin niya ang linya na “Si Rustom ay bak…” at tinakpan ni Anjo ang kanyang bibig matapos hindi matapos ang pangungusap. Sinabi ni Anjo na batay ito sa mga tsismis na narinig ng kanilang AD noong panahong iyon. Ani ng aktor, wala siyang ideya tungkol dito noong mga panahong iyon.

Read also

Kim Chiu at Paulo Avelino, kinakiligan matapos makitang magkasama

Alam niyang rehearsal pa lang iyon at hindi pa ang aktuwal na take, kaya sinunod niya ang AD nila. Binigyang-diin ni Anjo na sa actual take, naiisip niya kung tama o mali ang kanyang sasabihin.

Narinig ito ng make-up artist at sinabi kina Carmina Villarroel at Rustom Padilla, na magkasintahan na noong panahong iyon, ang tungkol dito. Ayon kay Anjo, ang “sumbong” na iyon ay walang paliwanag na galing iyon sa AD at rehearsal pa lang iyon.

Ayon sa aktor, iyon ang simula ng alitan at dahil magkapitbahay sila ni Robin Padilla, nangyari ang away.

Si Anjo Yllana ay isang kilalang aktor, komedyante, at host sa Pilipinas. Ipinanganak noong Abril 24, 1968, siya ay nagkaroon ng kasikatan noong dekada 90 dahil sa kanyang mga palabas sa telebisyon at pelikula. Isa sa kanyang mga pinakakilalang proyekto ay ang sitcom na Palibhasa Lalake, kung saan siya gumanap bilang isa sa mga pangunahing karakter.

Read also

Willie Revillame, binati sina Coco Martin, Julia Montes at mga anak nila

Nabanggit ni Anjo Yllana na hindi umano sila nag-uusap ng kanyang kapatid na si Jomari Yllana. Sa panayam sa kanya ni Aiko, nasabi ni Anjo na tulad ng aktres, wala rin silang komunikasyon ni Jomari.

Nagbigay ng kanyang pahayag si Anjo Yllana patungkol sa mga naging hosts ng "Eat Bulaga." Tulad niya na nag-resign noong 2020, hindi na umano siya nakabalik sa programa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate