Pauleen Luna, pinakita ang kanilang movie night kasama sina Tali at Bossing

Pauleen Luna, pinakita ang kanilang movie night kasama sina Tali at Bossing

- Ipinakita ni Pauleen Luna ang kanilang movie night sa Instagram kasama si Vic Sotto at ang kanilang anak na si Tali

- Nirentahan nila ang buong sinehan upang solong manood ng isang horror film

- Ayon kay Pauleen, hindi nila natapos ang pelikula dahil may natakot

- Marami ang natuwa at nagbigay ng suporta sa Instagram post ni Pauleen

Tila nirentahan ni Vic Sotto, mas kilala bilang Bossing, ang buong sinehan para magkaroon ng pribadong movie night kasama ang kanyang pamilya. Kasama niya ang kanyang anak na si Tali at asawang si Pauleen Luna upang manood ng isang horror film.

Pauleen Luna, pinakita ang kanilang movie night kasama sina Tali at Bossing
Pauleen Luna, pinakita ang kanilang movie night kasama sina Tali at Bossing
Source: Instagram

Ayon kay Pauleen Luna, hindi natapos ang kanilang movie night dahil may isa sa kanila na natakot sa pinapanood na pelikula. Sa kanyang Instagram story, ibinahagi ni Pauleen ang mga larawan at video ng kanilang gabi. Ipinakita ng mga ito ang kasiyahan ng kanilang pamilya sa kabila ng nakakatakot na tema ng pelikula.

Read also

'Marites', ginaya si Lena: 'Rigor, gusto mo ng Liempo?"

Pauleen Luna, pinakita ang kanilang movie night kasama sina Tali at Bossing
Pauleen Luna, pinakita ang kanilang movie night kasama sina Tali at Bossing
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Movie night na hindi natapos kasi may natakot dyan," ito ang caption na nilagay ni Pauleen sa kanyang post. Marami ang natuwa at nagbigay ng kanilang suporta sa mga komento para sa pamilya Sotto.

Si Pauleen Luna ay isang aktres at isa sa mga regular na host ng Eat Bulaga. Kilala rin siya bilang si "Poleng" dahil sa galing niya sa panggagaya ng boses batang babae. Si Pauleen ay kinasal sa kanyang co-host na si Vic Sotto noong Enero 30, 2016. Ipinanganak ni Pauleen ang unang baby nila ni Vic noong November 6, 2017.

Marami ang naaliw sa ibinahaging video ni Pauleen sa kanyang Instagram account. Ito ay ang video ng anak na si Tali kung saan tinuturo nito ang picture ng kanyang Tito Wally Bayola na kasama sa wedding pictures ng kanyang mga magulang. Inilarawan ni Tali ang kanyang Tito Wally na wala umano itong buhok at mukha daw itong squid. Matapos matawa ng kanyang ina, kinatwiran ni Tali na kaya niya nasabing mukhang squid ang kanyang Tito Wally ay dahil wala umanong buhok ang mga squid.

Read also

Kim Chiu at Paulo Avelino, kinakiligan matapos makitang magkasama

Kamakailan ay binahagi ni Pauleen ang isang pasilip sa bagong silang na anak nila ni Vic Sotto. Makikita ang bibig at ang maliit na bahagi ng pisngi ng baby sa post ni Pauleen sa kanyang Instagram story kalakip ng kanyang pagbati. Binahagi rin ni Pauleen ang picture ng panganay na anak na si Tali na may hawak na bulaklak. Matatandaang nag-post si Pauleen kahapon ng kanyang pinakahuling selfie bago siya manganak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot: