Pokwang, isiniwalat na ayaw ni Lee ang pagbubuntis noon: "Galit na galit siya"

Pokwang, isiniwalat na ayaw ni Lee ang pagbubuntis noon: "Galit na galit siya"

- Isiniwalat ni Pokwang ang mga pinagdaanan sa dating partner na si Lee O'Brian

- Isa na rito ang pagbubuntis niyang ayaw daw pala ni talaga ni Lee

- Pinag-awayan pa raw nila ito na humantong sa ingay na nakaalarma sa kanyang mga kapatid

- Aniya, sinasabi lang niya ang katotohanang matagal na niya umanong sinarili

Matitinding rebelasyon ang isiniwalat ni Pokwang sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz.

Pokwang, isiniwalat na ayaw ni Lee ang pagbubuntis noon: "Galit na galit siya"
Pokwang, isiniwalat na ayaw ni Lee ang pagbubuntis noon: "Galit na galit siya" (Ogie Diaz YouTube)
Source: Youtube

Ito ay patungkol sa pinagmumulan ng umano'y matinding sama ng loob niya sa dating partner na si Lee O'Brian.

Isa na rito ang matagal na niyang kinimkim na matinding away nila ni Lee noong nalaman niyang buntis siya kay Malia.

"'Nung nalaman niyang buntis ako, ayaw niya 'di ba? Galit na galit siya. Kulang na ngalang dukutin niya yan e," emosyonal na naibahagi ni Pokawang.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Read also

Priscilla Meirelles, makikipagmeeting na raw sa kanyang abogado

Sa tindi umano ng kanilang naging pagtatalo, naalarma na ang kapatid ni Pokwang na talagang kinatok na sila upang alamin kung ano ang nangyayari.

"Kasi nga, ayaw niya sa responsibilidad. Ayaw niya yan... Nung pinakita ko sa kanya 'yung pregnancy test, napatayo siya sa kama. Akala ko matutuwa. Galit na galit. Narinig pa ng kapatid ko noon na nag-aaway kami sa kwarto. Akala ng kapatid ko nagsusuntukan na kasi. Sabi ng kapatid ko, ano yan? Marietta ano yan? Ano nang nangyari diyan? Kasi nga ayaw niya, ayaw niya yung pagbubuntis ko," dagdag pa niya.

"Kaya nung lumabas na si Malia, siguro wala na lang siyang choice. Minahal man niya yung bata siguro mahal niya dahil bata. Pero 'yung ginampanan niya pagiging ama, never," giit pa ni Pokwang.

Narito ang kabuuan ng naging panayam ni Ogie kay Pokwang mula sa kanyang Ogie Diaz Inspires YouTube:

Si Pokwang o Marietta Subong ay isa sa kilalang komedyante sa Pilipinas. Bukod dito, labis siyang hinahangaan dahil sa kanyang cooking skills. Katunayan, mayroon na siyang sariling cooking show ang Kusina ni Mamang kung saan old style na pagluluto ang kanyang ipinakikita kaya naman marami ang naaaliw na makita muli ang tradisyonal na pamamaraan ng pagluluto.

Read also

Rendon Labador, sa mga balitang naiuugnay sa kanya: "Lahat 'yan mali, lahat 'yan ikakasira ko"

Sa naging panayam sa kanya noon ni Karen Davila, hindi naiwasang maglabas ng saloobin si Pokwang sa mga umano'y bashers niya na kapwa babae pa naman niya.

Matatandaan sa Showbiz Update channel ni Ogie, naibahagi ni Pokwang na hindi umano ibinigay ni Lee sa kanilang mag-ina ang unang YouTube channel ng kanila noong pamilya. Mayroon na itong kalahating milyong subscribers. Hiling noon ni Pokwang na dahil hindi umano nagsusustento si Lee, sana'y ipinaubaya na lamang nito ang naturang YouTube channel para nalang sana sa kanilang anak na si Malia.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica