Julia Montes, emosyonal nang sabihin gaano ka-special ang bagong proyekto

Julia Montes, emosyonal nang sabihin gaano ka-special ang bagong proyekto

- Hindi napigilang maluha ni Julia Montes kung gaano kahalaga ang bagong proyekto

- Aniya, espesyal ito gayung ito ang huling proyektong pinagplanuhan nila ng yumaong si Deo Endrinal

- Bago pa man ang proyektong ito, naging malaking bahagi na umano ng kanyang career ang namayapang producer

- Matatandaang taong 2019 pa nang huling gumawa ng teleserye si Julia at nito lamang siyang 2023 nagbalik pelikula

Emosyonal si Julia Montes nang maikwento niya sa On Cue ni MJ Felipe kung bakit mahalaga ang pinakabago niyang proyekto, ang 'Saving Grace.'

Julia Montes, emosyonal nang sabihin gaano kahalaga ang bagong proyekto
Julia Montes, emosyonal nang sabihin gaano kahalaga ang bagong proyekto (Julia Montes)
Source: Facebook

Ani Julia, iyon umano ang proyektong huling napag-usapan nila ng yumaong producer na si Deo Endrinal ng Dreamscape.

Kaya naman, masasabing para talaga sa kanya ang lead role Philippine adaption ng nasabing Japanese series.

"Special talaga sa'kin 'yung project kasi 'yun yung last usap namin ni sir Deo. 'Yung plan for Saving Grace is really big. And 'yung story, ang ganda nung story. Ang ganda 'nung lesson and story na gustong sabihin ng serye," ani Julia.

Read also

Suspended Mayor Alice Guo, muling iginiit ang kanyang pagiging Pilipino

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Special siya sa'kin kasi siguro tanggalin natin yung Grace sa title, gawin nating 'Saving Mara', si-nave ako ni sir Deo... In many ways. personal, career and I felt na ever since isa talaga si sir Deo sa naniwala sa kaya ko. Going back Mara Clara, never kong ine-expect na ibibigay sa'kin yung Clara role. But sir Deo, sabi niya hindi, kaya mo 'yan. Siya yung laging nagpapaalala na kaya ko," giit pa ni Julia na hindi na lalong napigilan ang kanyang pagluha.

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ni MJ Felipe mula sa ABS-CBN News:

Si Mara Hautea Schnittka o mas kilala bilang si Julia Montes ay isinilang noong March 19, 1995, sa Pandacan, Manila. Una siyang nakilala sa Going Bulilit kung saan nakasama rin niya ang iba pang child stars tulad ni Kathryn Bernardo. Hinangaan sila sa pagganap nila sa remake ng Mara Clara kung saan sila ni Kathryn ang bumida.

Read also

Brilliant Skin CEO, naging bilyonaryo sa edad na 21

Samantala, sa panayam ni Ogie Diaz kay Julia nabanggit nito kung gaano ka-espesyal ang pagkakaibigan nila ni Kathryn. Pabiro pa niya itong nilarawan bilang 'original love team' dahil sa closeness nilang dalawa off cam. Aniya, nais nga nilang magkaroon muli ng proyekto ni Kathryn na magkakasama muli silang dalawa.

Matatandaang pumapalo sa takilya ang pelikula nina Julia at Alden Richards ang Five Breakups and a Romance noong 2023. Masasabing ito ang comeback movie ni Julia gayung ilang taon din siyang napahinga sa paggawa ng proyekto para sa big screen. Aminado rin si Julia na komportable siyang katrabaho si Alden gayung kaibigan niya talaga ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica