Priscilla Meirelles, nagsalita tungkol sa pinagdadaanan niya

Priscilla Meirelles, nagsalita tungkol sa pinagdadaanan niya

- Nagsalita na si Prisicilla Meirelles sa kanyang pinagdadaanan sa kasalukuyan

- Sa kanyang live video, sinabi niyang kinailangan niyang umalis para makapag-isip at para mapagplanuhan ang future niya at ng anak niya

- Sinabi niya rin na napuno na siya kahit napaka-tiyaga niyang tao

- Dagdag pa niya, dapat ay maging maingat sa mga bagay na ginagawa ang mga tao dahil sa mga maaring maging consequences nito

Nagsalita na si Priscilla Meirelles tungkol sa kanyang pinagdadaanan sa kasalukuyan. Sa kanyang live video, sinabi niyang kinailangan niyang umalis para makapag-isip at para mapagplanuhan ang future niya at ng anak niya.

Priscilla Meirelles, nagsalita tungkol sa pinagdadaanan niya
Priscilla Meirelles, nagsalita tungkol sa pinagdadaanan niya
Source: Instagram

Ayon kay Priscilla, napuno na siya kahit napaka-tiyaga niyang tao. Dagdag pa niya, dapat ay maging maingat ang mga tao sa mga bagay na kanilang ginagawa dahil sa mga maaaring maging consequences nito. "I refuse to let it pass, anything from this point onwards," aniya.

Read also

Priscilla Meirelles, nagbahagi ng cryptic posts kasunod ng kanyang comment sa post ni John Estrada

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Binanggit din ni Priscilla na may sukdulan ang kanyang pagiging mapagpasensiya at kabaitan. Ang kanyang mga pahayag ay nagbigay-linaw sa mga spekulasyon tungkol sa tunay na estado ng kanyang relasyon kay John Estrada, na siyang nagdulot ng maraming reaksyon mula sa kanilang mga tagahanga at mga netizens.

Si Priscilla Meirelles de Almeida ay isang Barzilian model at beauty queen. Nanalo siya sa Miss Earth pageant noong 2004 na ginanap sa Pilipinas. Matapos ang pagkapanalo ay naging bahagi siya ng showbiz sa bansa at kinalaunan ay ikinasal sa aktor na si John Estrada noong 2011.

Naging usap-usapan ang makahulugan at matapang na hashtags na ginamit ni Priscilla kamakailan sa kanyang Instagram post. Kalakip ito ng kanyang picture na nagpapakita ng kanyang natural na kagandahan. Ang caption ng naturang post niya ay kalakip ang mensaheng "not fragile like a flower." Aniya, siya ay parang bomba.

Nag-post din siya ng nakakaintrigang payo para sa kanyang Instagram followers at fans. Nagbahagi siya ng tips para sa mga taong aniya'y gusto silang itrato nang tama. Aniya, tama lang at walang masama kung gustuhin na igalang. Ito ay sa kabila ng isyung kinakasangkutan ng kanyang asawa at ang binabanggit nito na nag-entertain umano sa pamilyadong lalaki.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: