Priscilla Meirelles, nagbahagi ng cryptic posts kasunod ng kanyang comment sa post ni John Estrada

Priscilla Meirelles, nagbahagi ng cryptic posts kasunod ng kanyang comment sa post ni John Estrada

- Kasunod ng kanyang matapang na komento sa post ni John Estrada, sunod-sunod ang makahulugang mga post ni Priscilla Meirelles

- Kasalukuyang nasa ibang bansa sila ng anak niyang si Anechka habang nasa Pilipinas naman si John base sa kanyang pinakahuling Instagram post

- Hindi diretsahang nagsalita si Priscilla patungkol sa relasyon nilang mag-asawa ngunit ang kanyang mga IG stories niya ay nagpapahiwatig na tila may pinagdadaanan sila

- Matatandaang noong nakaraang taon ay nagbahagi din sa social media ng pahiwatig tungkol sa 3rd party sa kanilang relasyon

Kasunod ng kanyang matapang na komento sa post ni John Estrada, sunod-sunod ang makahulugang mga post ni Priscilla Meirelles. Kasalukuyang nasa ibang bansa sila ng anak niyang si Anechka, habang nasa Pilipinas naman si John base sa kanyang pinakahuling Instagram post.

Priscilla Meirelles, nagbahagi ng cryptic posts kasunod ng kanyang comment sa post ni John Estrada
Priscilla Meirelles, nagbahagi ng cryptic posts kasunod ng kanyang comment sa post ni John Estrada
Source: Instagram

Bagama't hindi diretsahang nagsalita si Priscilla patungkol sa relasyon nilang mag-asawa, ang kanyang mga IG stories ay nagpapahiwatig na tila may pinagdadaanan sila.

Read also

Ray Parks, hinangaan sa ginawa nang 'magselos' si Zeinab sa prank sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Makikita sa kanyang mga post ang mga cryptic quotes at larawan na nagdudulot ng iba't ibang interpretasyon mula sa mga netizens.

Priscilla Meirelles, nagbahagi ng cryptic posts kasunod ng kanyang comment sa post ni John Estrada
Priscilla Meirelles, nagbahagi ng cryptic posts kasunod ng kanyang comment sa post ni John Estrada
Source: Instagram

Priscilla Meirelles, nagbahagi ng cryptic posts kasunod ng kanyang comment sa post ni John Estrada
Priscilla Meirelles, nagbahagi ng cryptic posts kasunod ng kanyang comment sa post ni John Estrada
Source: Instagram

Matatandaang noong nakaraang taon ay nagbahagi din si Priscilla sa social media ng mga pahiwatig tungkol sa pagkakaroon ng third party sa kanilang relasyon, na naging sanhi ng maraming spekulasyon at usap-usapan. Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag mula kina Priscilla at John ukol sa kanilang kasalukuyang estado.

Priscilla Meirelles, nagbahagi ng cryptic posts kasunod ng kanyang comment sa post ni John Estrada
Priscilla Meirelles, nagbahagi ng cryptic posts kasunod ng kanyang comment sa post ni John Estrada
Source: Instagram

Si Priscilla Meirelles de Almeida ay isang Barzilian model at beauty queen. Nanalo siya sa Miss Earth pageant noong 2004 na ginanap sa Pilipinas. Matapos ang pagkapanalo ay naging bahagi siya ng showbiz sa bansa at kinalaunan ay ikinasal sa aktor na si John Estrada noong 2011.

Naging usap-usapan ang makahulugan at matapang na hashtags na ginamit ni Priscilla kamakailan sa kanyang Instagram post. Kalakip ito ng kanyang picture na nagpapakita ng kanyang natural na kagandahan. Ang caption ng naturang post niya ay kalakip ang mensaheng "not fragile like a flower." Aniya, siya ay parang bomba.

Read also

Willie Revillame, binati sina Coco Martin, Julia Montes at mga anak nila

Nag-post din siya ng nakakaintrigang payo para sa kanyang Instagram followers at fans. Nagbahagi siya ng tips para sa mga taong aniya'y gusto silang itrato nang tama. Aniya, tama lang at walang masama kung gustuhin na igalang. Ito ay sa kabila ng isyung kinakasangkutan ng kanyang asawa at ang binabanggit nito na nag-entertain umano sa pamilyadong lalaki.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate