Priscilla Meirelles, usap-usapan sa matapang na komento nito sa post ni John Estrada

Priscilla Meirelles, usap-usapan sa matapang na komento nito sa post ni John Estrada

- Muling lumikha ng ingay si Miss Earth 2004 Priscilla Meirelles matapos ang kanyang makahulugang komento sa post ng mister niyang si John Estrada

- Sinagot niya ang tanong ng isang netizen kung sino daw kina 'Lena at Marites' ang kasama ni 'Rigor

- Sinagot ni Priscilla ito sa pamamagitan ng pagbanggit ng IG handle na Lily Hallman_ kalakip ang isang laughing emoji

- Nagkomento pa ito na 'Looking very divorced' daw si John at muli ay kalakip ang IG handle na Lily Hallman_

Muling lumikha ng ingay si Miss Earth 2004 Priscilla Meirelles matapos ang kanyang makahulugang komento sa post ng mister niyang si John Estrada. Sinagot niya ang tanong ng isang netizen kung sino daw kina 'Lena at Marites' ang kasama ni 'Rigor'.

Priscilla Meirelles, usap-usapan sa matapang na komento nito sa post ni John Estrada
Priscilla Meirelles, usap-usapan sa matapang na komento nito sa post ni John Estrada
Source: Instagram

Ang sagot ni Priscilla ay idinaan sa pagbanggit ng IG handle na Lily Hallman_, kalakip ang isang laughing emoji. Bukod dito, nagkomento pa siya na 'Looking very divorced' daw si John, at muli ay kalakip ang IG handle na Lily Hallman_.

Read also

Priscilla Meirelles, nagsalita tungkol sa pinagdadaanan niya

Ang matapang na mga komento ni Priscilla ay agad na naging usap-usapan sa social media, na siyang nagdulot ng sari-saring reaksyon mula sa mga netizens.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kasalukuyan, naka-off na ang comment section ng post na ito ni John Estrada at hindi na makita ang komento ni Priscilla Meirelles. Base sa mga posts ni Priscilla sa social media, nasa abroad siya kasama ang anak nila ni John na si Anechka.

Priscilla Meirelles, usap-usapan sa matapang na komento nito sa post ni John Estrada
Priscilla Meirelles, usap-usapan sa matapang na komento nito sa post ni John Estrada
Source: Instagram

Patuloy ang usap-usapan tungkol sa tunay na estado ng relasyon ng mag-asawa, lalo na't tila may mga pahiwatig si Priscilla sa kanyang mga komento at posts. Sa kabila ng mga haka-haka, wala pang opisyal na pahayag mula kina John at Priscilla ukol dito.

Si Priscilla Meirelles de Almeida ay isang Barzilian model at beauty queen. Nanalo siya sa Miss Earth pageant noong 2004 na ginanap sa Pilipinas. Matapos ang pagkapanalo ay naging bahagi siya ng showbiz sa bansa at kinalaunan ay ikinasal sa aktor na si John Estrada noong 2011.

Read also

Luis Manzano, sinagot ang komento ni Jessy Mendiola sa kanyang Who Can Enter Heaven Video

Naging usap-usapan ang makahulugan at matapang na hashtags na ginamit ni Priscilla kamakailan sa kanyang Instagram post. Kalakip ito ng kanyang picture na nagpapakita ng kanyang natural na kagandahan. Ang caption ng naturang post niya ay kalakip ang mensaheng "not fragile like a flower." Aniya, siya ay parang bomba.

Nag-post din siya ng nakakaintrigang payo para sa kanyang Instagram followers at fans. Nagbahagi siya ng tips para sa mga taong aniya'y gusto silang itrato nang tama. Aniya, tama lang at walang masama kung gustuhin na igalang. Ito ay sa kabila ng isyung kinakasangkutan ng kanyang asawa at ang binabanggit nito na nag-entertain umano sa pamilyadong lalaki.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate