Kim Chiu at Paulo Avelino, kinakiligan matapos makitang magkasama

Kim Chiu at Paulo Avelino, kinakiligan matapos makitang magkasama

- Marami ang kinilig sa isang picture nina Kim Chiu at Paulo Avelino na magkasama

- Base sa suot na damit ni Kim ay tila kagagaling lang nito sa kanyang pag-eehersisyo

- Bilang isa sa pinakakinakakikiligang tambalan ngayon, marami sa KimPau fans ang nag-react sa naturang picture

- Matapos ang pagsikat ng kanilang tambalan ay naging sunod-sunod na ang proyekto nina Kim at Paulo

Nagpakilig sa marami ang isang larawan nina Kim Chiu at Paulo Avelino na magkasama. Base sa suot na damit ni Kim, tila kakatapos lang niya mag-ehersisyo.

Kim Chiu at Paulo Avelino, kinakiligan matapos makitang magkasama
Kim Chiu at Paulo Avelino, kinakiligan matapos makitang magkasama
Source: Instagram

Nauna na ring napansin ng netizen na parehas nilang ni-repost magkaparehong map ng "morning run." Kilala si Kim bilang mahilig mag-ehersisyo sa pamamagitan ng pagtakbo.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Kaya naman, marami sa KimPau fans ang naniniwalang magkasama silang nag-ehersisyo.

Read also

Willie Revillame, binati sina Coco Martin, Julia Montes at mga anak nila

Kinagiliwan ng maraming fans ng KimPau ang nasabing larawan, na nagpapakita ng magandang samahan ng dalawa. Katatapos lang ng kanilang seryeng 'What's Wrong with Secretary Kim?" at ilang out of town at shows sa abroad ang kanilang dinaluhang magkasama.

Matapos ang sunud-sunod na proyekto ng kanilang tambalan, patuloy na pinag-uusapan ang kanilang chemistry at tagumpay sa industriya ng showbiz.

Si Kim Chiu ay isang kilalang artista at personalidad sa industriya ng showbiz sa Pilipinas. Isinilang siya noong April 19, 1990, sa Tacloban City, Leyte, Philippines. Unang sumikat si Kim Chiu noong sumali siya sa reality show na "Pinoy Big Brother: Teen Edition" noong 2006.

Sa post ni Kim, binahagi niya ang saloobin na nakabalik na siya sa pagtatrabaho matapos ang mahigit isang linggo. Sa kanyang pagbabalik-trabaho, aniya ay mas naging makahulugan sa kanya ang linyang “Umulan man o Umaraw. Kahit ang dulo ay di matanaw." Bahagi ito ng lyrics sa opening song ng noontime show na "It's Showtime."

Read also

Cherry Pie at Mercedes, viral sa kanilang nakakaaliw na "Baby I love you" trend

Tuwang-tuwa si Kim nang makatanggap ng mamahaling sapatos mula sa Diamond Star na si Maricel Soriano. Sa kanyang IG stories ay makikita ang pag-abot sa kanya ni Maricel ng Christian Louboutin na sapatos. Kilig na kilig si Kim habang sinusukat ang sapatos mula sa Diamond star. Todo-pasalamat si Kim at pinangakong aalagaan niya nang buong puso ang pamana ng kanyang inay Maria.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate