Rufa Mae Quinto, naghayag ng saloobin matapos ma-eliminate sa LOL

Rufa Mae Quinto, naghayag ng saloobin matapos ma-eliminate sa LOL

- Nag-post si Rufa Mae Quinto kaugnay sa kanyang pagkakatanggal sa Last One Laughing Philippines matapos siyang mangiti sa kanyang sariling joke

- Marami ang nanghinayang dahil si Rufa Mae ang isa sa may pinakamaraming napatawa sa naturang show

- Nagpasalamat siya sa lahat ng sumoporta sa kanya sa kanyang pagsali sa naturang show na napapanood sa Prime video

- Ang LOLPh o Last One Laughing Philippines Ph ay reality show kung saan nagsama-sama ang mga komedyante sa isang bahay ngunit bawal silang tumawa

Nag-post si Rufa Mae Quinto kaugnay sa kanyang pagkakatanggal sa Last One Laughing Philippines matapos siyang mangiti sa kanyang sariling joke. Marami ang nanghinayang dahil si Rufa Mae ang isa sa may pinakamaraming napatawa sa naturang show.

Rufa Mae Quinto, naghayag ng saloobin matapos ma-eliminate sa LOL
Rufa Mae Quinto, naghayag ng saloobin matapos ma-eliminate sa LOL
Source: Instagram

Nagpasalamat si Rufa Mae sa lahat ng sumoporta sa kanya sa kanyang pagsali sa naturang show na napapanood sa Prime Video. Aniya, kahit na maaga siyang natanggal, malaking karangalan pa rin ang maging bahagi ng show at magbigay saya sa mga manonood.

Read also

Willie Revillame, binati sina Coco Martin, Julia Montes at mga anak nila

Ok I go go go out in the game coz I chose to laugh haha. Thanks for supporting everyone . I did my best. But didn’t my VERYBEST! It’s cozy! There’s always a reason to come back . @PrimeVideo @primevideoph #lastonelaughingPH

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang LOLPh o Last One Laughing Ph ay isang reality show kung saan nagsama-sama ang mga komedyante sa isang bahay ngunit bawal silang tumawa.

Si Rufa Mae Quinto-Magallanes ay sumikat bilang isang Filipina actress, comedian at TV host. Nakilala siya sa kanyang kakaibang estilo ng pagpapatawa. Pinasok niya ang mundo ng showbiz nang mapabilang siya sa That's Entertainment noong 1996. Ilan sa sumikat niyang pagganap ay bilang si 'Booba' sa pelikulang Booba noong 2001 at bilang si 'Boobita Rose' sa Masikip sa Dibdib.

Read also

Apo, ipinagdiwang ang graduation kasama ang kanyang lolo’t lola sa bukid

Matapos ang kanyang pamamalagi sa Amerika, bumalik kamakailan sa Pilipinas si Rufa Mae. Nauna siyang napasama sa UniTeam rally na talaga namang pinag-usapan. Sa kanyang pag-uwi sa Pilipinas, ibinahagi niya sa kanyang social media account ang bagong bahay na kanilang tinitirhan pagbalik nila sa Pinas.

Matapos lumabas ang video ng kanyang pagkanta sa rally para kay Senator Manny Pacquiao, agad na nag-trend sa Twitter si Rufa Mae. Marami ang nawindang na makita siya sa naturang rally dahil bago ito ay naroroon din siya sa UniTeam rally ni Pangulong Bongbong Marcos. Maging si Rufa Mae ay binahagi sa kanyang Instagram story ang screenshot ng top trends sa Twitter kung saan makikita ang kanyang pangalan. Sa nag-viral na video, makikita ang bahagi ng pagkanta ni Rufa Mae ng awiting Firework ni Katy Perry.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate