Luis Manzano, sinagot ang komento ni Jessy Mendiola sa kanyang Who Can Enter Heaven Video

Luis Manzano, sinagot ang komento ni Jessy Mendiola sa kanyang Who Can Enter Heaven Video

- Sinagot ni Luis Manzano ang komento ni Jessy Mendiola sa kanyang TikTok video tungkol sa mga taong hindi makakapasok sa langit

- Ayon kay Luis, ang may mga tattoo, umiinom ng alak, kumakain ng baboy, at mga "short people" ay hindi makakapasok sa langit

- Nagbiro si Jessy na lahat ng nabanggit ay mayroon siya at sinagot ito ni Luis ng pabirong "slide slide nalang tayo sa rainbow"

- Maraming netizens ang nag-react sa video at nagbigay ng mga nakakatawang komento

Nag-react ang aktres na si Jessy Mendiola sa TikTok video ng kanyang asawang si Luis Manzano, kung saan tinalakay ni Luis ang mga taong sinasabing hindi na makakapasok sa langit base sa impormasyong kanyang na-search sa Google.

Luis Manzano, sinagot ang komento ni Jessy Mendiola sa kanyang Who Can Enter Heaven Video
Luis Manzano, sinagot ang komento ni Jessy Mendiola sa kanyang Who Can Enter Heaven Video
Source: Instagram

Ayon sa video ni Luis, ang mga taong hindi raw makakapasok sa langit ay ang may mga tattoo, umiinom ng alak, kumakain ng baboy, at mga "short people."

Read also

Rosmar, sinagot ang kabi-kabilang isyung kinaharap nila sa Palawan

Nagbiro pa si Luis na i-tag na raw ng mga netizen ang kanilang mga tropa o kakilala na malabo nang makapasok sa langit kapag namatay na. Sa komentong pabiro ni Jessy, sinabi niyang, "Paano ba to, lahat meron ako." Agad naman itong sinagot ni Luis ng, "@jessymendiola - wala, slide slide nalang tayo sa rainbow."

Luis Manzano, sinagot ang komento ni Jessy Mendiola sa kanyang Who Can Enter Heaven Video
Luis Manzano, sinagot ang komento ni Jessy Mendiola sa kanyang Who Can Enter Heaven Video
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Inulan ng mga reaksyon mula sa mga netizen ang naturang video. Marami ang nagkomento ng mga nakakatawang reaksyon.

Si Luis Manzano ay anak nina Vilma Santos at Edu Manzano. Kilala siya sa pagiging isa sa mahusay na TV hosts sa bansa. Ikinasal siya kay Jessy Mendiola na nakilala naman sa mahusay na pagganap bilang si Maria Mercedes sa Philippine remake ng sikat na Mexican telenovela. Taong 2016 nang manguna siya sa listahan ng men's magazine na FHM Philippines.

Read also

Philmar Alipayo, ibinida ang husay sa pag-surf ng anak na si Koa

Hindi maipagkaila ni Vilma Santos na sobra siyang excited sa kanyang unang apo na tinatawag nilang si "Peanut." Sa kanyang bagong vlog ay pinakita niya ang regalong kanyang binili para sa apo kahit hindi pa ginaganap ang baby shower. Bukod sa baby bottles, nagbigay din ang Star for All Seasons ng sterilizer na ayon kay Jessy ay sobrang kailangan nila. Nagbigay din siya ng payo para sa mag-asawa hindi lang bilang magulang kundi bilang magkatuwang sa pagpapalaki sa anak nila.

Kamakailan ay binahagi ni Jessy sa kanyang YouTube channel ang kanilang pagpapa-check up kasama ang asawa niyang si Luis. Bahagi ng kanyang video ay makikita ang 4D ultrasound kung saan makikita ang facial feature ng anak nila ni Luis. Maging ang sumusuri kay Jessy ay napansing matangos ang ilong ni Baby Peanut. Tuwang-tuwa naman si Luis at nagpasalamat pa dahil aniya, si Jessy ang kamukha ng kanilang anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot: