Ellen Adarna, sinagot ang netizen na pumuna sa haircut ni Derek Ramsay

Ellen Adarna, sinagot ang netizen na pumuna sa haircut ni Derek Ramsay

- Sinagot ni Ellen Adarna ang isang netizen na pumuna sa haircut ni Derek Ramsay sa gitna ng pagdiriwang ng ika-6 na kaarawan ni Elias Modesto Cruz

- Ipinagdiwang nina Ellen at Derek ang kaarawan ni Elias sa isang Japanese restaurant sa Muntinlupa City

- Binati ng mga netizens si Elias sa social media, ngunit isang netizen ang nagkomento tungkol sa buhok ni Derek

- Sinabi ni Ellen na dapat ay hindi nakikialam ang netizen at nagkomento rin si Derek na tila binabatikos ang paggamit ng salitang "procure"

Sa kabila ng masayang pagdiriwang ng ika-6 na kaarawan ni Elias Modesto Cruz, anak nina Ellen Adarna at dating partner na si John Lloyd Cruz, isang netizen ang pumuna sa hairstyle ng kasalukuyang asawa ni Ellen, si Derek Ramsay.

Ellen Adarna, sinagot ang netizen na pumuna sa haircut ni Derek Ramsay
Ellen Adarna, sinagot ang netizen na pumuna sa haircut ni Derek Ramsay
Source: Instagram

Ang nasabing pagdiriwang ay naganap noong Hunyo 27, 2024, kung saan ibinahagi ni Ellen sa kanyang Instagram account ang masayang selebrasyon sa isang Japanese restaurant sa Muntinlupa City.

Read also

Misis ni Nikko Natividad na si Cielo Eusebio, isinapubliko ang pagbubuntis

Sa kanyang post, makikita ang isang cake na may nakasulat na "HAPPY BIRTHDAY ELIAS. #6," at sinabi ni Ellen sa caption, "Happy Birthday my not so little boy… forever my baby you’ll be [heart emojis] #6." Sinundan ito ng komento ni Derek na, "Love you Babi," at binati rin ng ilang netizens si Elias.

Subalit, isang netizen ang nagkomento, "His father needs to procure a decent haircut @maria.elena.adarna."

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ellen Adarna, sinagot ang netizen na pumuna sa haircut ni Derek Ramsay
Ellen Adarna, sinagot ang netizen na pumuna sa haircut ni Derek Ramsay
Source: Instagram

Hindi nag-atubili si Ellen na sagutin ang nasabing komento, at sinabi niya, "manong, do i need to remind you why minding your own business is important? …… you dont feed us [melting face emoji]."

Ellen Adarna, sinagot ang netizen na pumuna sa haircut ni Derek Ramsay
Ellen Adarna, sinagot ang netizen na pumuna sa haircut ni Derek Ramsay
Source: Instagram

Samantala, nagkomento rin si Derek na tila binabatikos ang paggamit ng salitang "procure" ng netizen, "I think you just want to use the word 'procure' to sound smart. [laughing emoji]."

Read also

Marian Rivera, trending matapos mapalaban sa English translation

Si Ellen Adarna o Ellen Meriam Go Adarna-Ramsay sa totoong buhay ay ang panganay na anak na babae ng isang prominenteng pamilya sa Cebu. Sila ay nagmamay-ari ng maraming condominiums, hotels, resorts, at mga motel sa Timog at pati na rin sa Manila at Davao. Isa din siyang kilalang modelo na nagsimula bilang isang sikat na social media celebrity na kinalaunan ay naging isa sa mga 'Star Magic' artist mula noong taong 2013. Naging cover girl din siya sa iba't-ibang magazines.

Sa kanyang IG stories kamakailan ay sinagot ni Ellen ang tanong ng netizens sa kanya. Isa sa mga naitanong sa kanya ay patungkol sa mga haters at bashers. Naitanong sa kanya kung paano siya sa kanyang mga bashers. Direktang sinagot ni Ellen ang tanong na ito. "Kebs" daw siya sa mga ito dahil hindi naman sila ang nagpapakain sa kanya.

Samantala, kamakailan ay binahagi ni Ellen sa social media post niya ang video ng anak niyang si Elias na mas pinipiling tumabi kay Derek. Base sa video mukhang kuha ito sa loob ng eroplano kung saan makikita si Derek na nakaupo sa isang malaking airplane seat. Makikita si Elias na nakasiksik sa tabi ni Derek habang may pinapanood. Maririnig sa video ang pagpapabalik sa kanya sa upuan niya ngunit aniya ay mas gusto niyang matulog katabi ang kanyang "Papa D."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate