Brilliant Skin CEO, naikwentong minsan niyang naranasang 'magbakal-bote'
- Naibahagi ng Brilliant Skin CEO na Glenda Dela Cruz ang kanyang 'rags to riches' story
- Isa na rito ang minsan niyang pagbabakal- bote o pangangalakal kasama ang kanyang kapatid
- Hindi niya umano ito makalimutan gayung nag-iwan ito ng malaking sugat sa kanyang kapatid
- Sa naturang panayam din siya nausisa kung kailan niya nakamit ang pagiging isang bilyonarya
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Inspirasyon ang hatid ng 'rags to riches' story ng Brilliant Skin CEO na si Glenda Dela Cruz.
Sa panayam sa kanya ni Karen Davila, naikwento ni Glenda na sa kabila ng tinatamasang tagumpay sa kanyang mga negosyo, dumanas din talaga siya ng matinding hirap noong kabataan.
Katunayan, minsan na rin umano silang nangalakal ng kanyang kapatid.
"Naranasan ko pong magbakal-bote," pagkumpirma ni Miss Glenda.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"Merong scars yung kapatid ko dito, ang laki. Meron siyang sako sa likod naka-ganun siya. Tapos umuwi kami umiiyak siya kasi parang nabutas yung sa may paa niya dahil nangalakal ko kami. Ganun po si Miss Glenda dati," pagbabalik-tanaw pa niya.
Sa naturang panayam din niya nabanggit na nakamit niya ang unang milyon sa pagtatapos ng taong 2017.
At nang tumuntong naman sa edad na 21, naging isa na siyang ganap na bilyonaryo.
Narito ang kabuuan ng naging panayam sa kanya ni Karen Davila:
Si Glenda Dela Cruz ang CEO ng Brilliant Skin. Matatandaang umugong ang pagganap ni Miss Glenda sa Araneta Coliseum, ang kanyang 'Pinakamakinang concert' na dinaluhan din ng mga kilalang showbiz personalities.
Ilan sa mga ito ay sina Andrea Brillantes at Alden Richards. Gayundin ang YouTube content creator na si Zeinab Harake na isa sa mga endorsers ni Glenda sa matagumpay niyang negosyo.
Samantala, sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel, minsan nang nabanggit ni Miss Glenda ang naranasang kahirapan noon. Naikwento niyang sa edad na 12 natuto na siyang dumiskarte at nakahanap ng online job. Sa edad na 15, naging team leader na siya ng call center subalit nahinto nang mabuking ang kanyang edad.
Hanggang sa nakakilala siya ng makakatulong sa kanya sa paggawa ng sabon na siyang naging daan upang makamit niya ang milyon at ngayo'y bilyon na mula sa kanyang mga negosyo.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh