Rosmar, sinagot ang kabi-kabilang isyung kinaharap nila sa Palawan
- Nabigyan ng pagkakataon si Rosmar Tan na magdetalye ng mga naging kaganapan sa Coron, Palawan
- Matatandaang naging kontrobersyal ito matapos mag-post ang isang staff ng lugar
- Ito ay tungkol sa umano'y mga taong hindi nakatanggap ng inaasahang biyaya mula sa Team Malakas
- Kasama si Rendon Labador, hiling ni Rosmar na mabigyan umano sila ng isa pang pagkakataong makabalik sa nasabing lugar
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nakapanayam ni Ogie Diaz sina Rosmar Tan- Pamulaklakin at Rendon Labador ng Team Malakas.
Matatandaang naging kontrobersyal ang kanilang pagpunta sa Coron, Palawan dahil sa kabi-kabilang isyung sinapit nila doon.
Paglilinaw ni Rosmar, tatlong araw umano silang nagkaroon ng charity sa naturang lugar at marami talaga umanong biyaya ang naipamahagi sa loob ng nasabing panahon.
Hindi nila inasahan ang dami at dagsa ng tao sa huling araw kung saan sa mismong lugar na sila namili ng mga ipamimigay.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Dito nagkaroon umano ng masasabing aberya gayung marami ang umasang mabibigyan subalit hindi nakakuha.
Ito ang naging dahilan sa post ng sinasabing staff ng munisipyo na nagresulta sa nag-viral na komprontasyon na nai-post mismo ni Rendon.
"Ang sakit lang po sa feeling na ganu'n po 'yung feedback pa sa amin," ani Rosmar lalo na at marami naman talaga umano silang naibahaging tulong sa nasabing lugar.
"Okay lang po sa'ming ma-bash ng normal na tao for example ng mga nandon, ang medyo nakasakit lang po yung parang nagsalita pa po is parang staff pa ng munisipyo," dagdag pa niya gayung inaasahan nilang isa umano ang nasabing empleyado ang sana'y tutulong sa kanilang ipaunawa sa mga tao ang nangyari.
Gayunpaman, inamin niyang pinagsisishan ang nangyari na noong napanood mismo ang kanilang video, mas lalo niyang naisip na tila mali ang kanyang naging reaksyon sa mga oras na iyon. Hiling din niyang mabigyan pa sila ng chance na makabalik sa Palawan.
"Sa totoo po pinagsisihan ko po talaga. Nadala lang po ng pagod, puyat tapos parang ganun po yung nabasa ko tapos plus points pa po na staff po ng munisipyo. Doon po talaga ako nasaktan. Ano lang din po ako sa bugso ng damdamin."
Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Ogie Diaz Inspires YouTube channel:
Si Rosmar Tan o Rosemarie Tan ay nakilala sa social media dahil sa kanyang pamamahagi ng tulong sa mga netizens lalo na noong kasagsagan ng pandemya.
Matatandaang nag-viral si Rosmar dahil sa kanyang ipon challenge noong 2017. Na sinundan naman ng kanya noong kakaibang restaurant kung saan super enjoy ang kanyang mga naging customers dahil tila nasa loob sila ng pet cage sa naturang kainan.
Isa na siya sa mga kilalang CEO ng sarili niyang brand at habang parami nang parami ang tumatangkilik sa kanya, dumarami rin ang mga produktong naihahain niya sa kanyang mga supporters.
Kamakailan, naging usap-usapan muli si Rosmar matapos nitong bigyan ng blessings ang social media personality na si Diwata. Sinasabing nasa milyon-milyon ang halaga ng lahat ng naibahagi ni Rosmar kay Diwata. At sa kabila umano ng mga kontrobersiyang kanilang kinakaharap, patuloy pa rin siyang tumutulong sa mga nangangailangan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh