Rendon Labador, hindi umano pinagsisihan ang nagawa sa Coron, Palawan
- Nakapanayam ni Ogie Diaz ang dalawang miyembro ng Team Malakas na sina Rosmar Tan at Rendon Labador
- Doon nausisa niya ang dalawa kung nagsisi ba ang mga ito kontrobersiyang naganap sa Palawan
- Ani Rendon, wala umano siyang pinagsisihan sa mga nagawa at nasabi niya roon
- Subalit nagsilbing aral sa kanila ang mga nangyari na siyang nagpatatag din umano sa kanila
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nagpaunlak ng panayam sina Rosmar Tan-Pamulaklakin at Rendon Labador ng 'Team Malakas' kay Ogie Diaz.
Doon, natanong ni Ogie Ang dalawa kung nagsisisi nga ba ito sa mga nangyari partikular na ang kontrobersyal na insidente sa Coron na siyang naging dahilan para sila'y maging persona non grata ng nasabing lugar.
Hayagang nasabi ni Rendon na wala umano siyang pinagsisihan sa mga nagawa at nasabi niya roon.
"Ako naman parang hindi ko pinagsisihan 'yung mga nangyari kasi parang ano e, kinuha ko nalang yung mga lessons na matutunan namin. Kasi tingin ko naman yung nangyari sa'min doon, experience namin as a team na parang mas lumakas yung samahan namin. Mas nabuo yung pamilya namin. Marami kasing challenges e. so yun din ang gusto kong message na huwag kayong matakot magkamali sa mga tao. Basta be accountable. Kunin mo nalang yung mga matutunan mo moving forward kasi, tao lang tayo e may emotions ka e. Kung lagi kang magsisisi sa bawat pagkakamali mo, hindi mabi-build kung sino ka ngayon e."
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Gayunpaman, nagsilbi umano itong aral sa kanila at nagpatibay pa raw ng kanilang samahan sa Team Malakas.
"So sa tingin ko, moving forward, magiging better kami. Kung tutulong kami siguro pag-usapan muna namin yung mga ganong lesson. Tsaka mas ano e mas masaya yung pamilya namin kasi mas nakilala namin yung isa't isa."
Narito ang kabuuan ng kanilang naging pahayag mula sa Ogie Diaz Inspires channel:
Si Rendon Labador ay isang influencer, vlogger, fitness instructor at motivational speaker. Kamakailan, gumawa ng ingay online ang pangalan ni Rendon nang hamunin siya ng one on one sa basketball ni Marc Pingris. Ito ay may kaugnayan sa komento ng social media influencer sa naging pahayag ng Gilas head coach na si Chot Reyes.
Kabi-kabila ang isyu na umano'y binigyang opinyon ni Rendon. Mula sa naging isyu noon nina Moira Dela Torre at dating asawa nitong si Jason, pambabatikos kay Michael V hanggang sa pagiging host ni Paolo Contis sa Eat Bulaga ay kanyang nabigyang komento.
Matatandaang bago pa sila maging Team Malakas, isa si Rendon sa tila pumuna sa naging rebelasyon ni Rosmar na siya ay kaya umanong kumita ng Php13 million sa loob lang ng isang araw.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh