Xian Gaza, may paalala tungkol sa mga gustong mag-artista

Xian Gaza, may paalala tungkol sa mga gustong mag-artista

- Trending si Xian Gaza kasunod ng kanyang open letter para sa BINI kamakailan

- Sa kanyang panibagong post, nagbigay siya ng paalala sa mga taong gustong mag-artista

- Aniya, kung ayaw na pinagkakaguluhan ay huwag na mag-aartista

- Dagdag pa niya, pangarap ito ng mga taong pinatutungkulan niya at nang makamit nila ay hindi na nila na-appreciate

Trending si Xian Gaza kasunod ng kanyang open letter para sa BINI kamakailan. Sa kanyang panibagong post, nagbigay siya ng paalala sa mga taong gustong mag-artista. Ayon kay Xian, kung ayaw na pinagkakaguluhan, huwag nang mag-aartista. Dagdag pa niya, pangarap ito ng mga taong pinatutungkulan niya at nang makamit nila ay hindi na nila na-appreciate.

Xian Gaza, may paalala tungkol sa mga gustong mag-artista
Xian Gaza, may paalala tungkol sa mga gustong mag-artista
Source: Facebook

Sinagot ni Xian ang komento ng isang netizen na nagsabing gustong-gusto niya ang atensiyon ng mga tao. Pinaliwanag niya na kaya kapag bina-bash siya ng libu-libong Pilipino, wala silang naririnig mula sa kanya dahil marunong siyang manindigan sa mundong pinasok niya.

Read also

Willie Revillame,naglabas ng saloobin sa posibilidad ng pagpasok nya sa politika

Dagdag pa niya, walang problema kung manghingi ng kaunting pang-unawa sa fans basta huwag lang susungitan at iirapan. Ipinunto niya na nai-starstruck ang mga fans kaya nataranta at napatakbo sa mesa nila, at ang reaksyon ng artista ay nagpapakita ng iritableng mukha. Sinabi rin niya na dapat na-appreciate ng mga artista na ang mga fans ang nagbibigay sa kanila ng kabuhayan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nagbigay pa siya ng paalala na kapag sikat na personalidad, huwag i-call out ang mga fans na nai-starstruck at nataranta noong makita sila. Dagdag pa niya, kapag ginawa ito, ang dating sa mga hindi fans ay masyado nilang feel na feel ang kanilang celebrity status.

Si Xian Gaza o Christian Albert Gaza ay unang nakilala sa social media matapos ang kanyang kontrobersiyal na billboard proposal sa aktres na si Erich Gonzales para mag-coffee. Nakilala din siya sa bansag na "pambansang scammer" matapos siyang akusahan ng pang-iiscam.

Read also

Josh Mojica, sa mga nag-aakusang yumabang na siya: "kasi po more on real talk"

Biniro ni Xian Gaza ang malapit na kaibigang si Zeinab Harake na puro lang daw basketball ang inaatupag nito. Sa comments section ng kanyang post, tinanong siya ni Zeinab kung kailangan na ba daw niyang sumunod kay Xian sa lugar kung nasaan siya. Pabiro naman siyang sinagot ni Xian na paalis na siya lalo kung dalawa silang susunod. Hindi man binaggit ni Xian ang pangalan kung sino ang tinutukoy niya, nagbiro ito ng tungkol sa viral na video na binahagi ni Bobby Ray Parks Jr. na sinusuklay niya ang buhok ni Zeinab.

Nagbahagi si Xian ng picture niya kasama si Angelica Yap na kilala bilang si Pastillas Girl. Sinagot niya ang mga komento sa kanya na balimbing daw siya dahil sa pakikipagkaibigan kay Angelica. Ito ay dahil sa kanyang pagiging malapit na kaibigan din ni Zeinab Harake na naglabas ng sama ng loob laban kay Angelica na dati niya ding malapit na kaibigan. Ani Xian, hindi siya makikisali sa gulo ng magkakaibigang ito at mananatili siyang isang tunay na kaibigan sa kanila kahit pa magkatampuhan ang magkaibigan.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags: