Zeinab, engaged na kay Ray Parks: "Hindi 'to birthday ni Donna"

Zeinab, engaged na kay Ray Parks: "Hindi 'to birthday ni Donna"

- Engaged na sina Zeinab Harake at Bobby Ray Parks Jr.

- Sa YouTube channel ni Zeinab, ibinahagi kung paano pinaghandaan ng kanyang Daddy Ray ang proposal

- Unang nakaalam ang ama ni Zeinab na labis ang saya para sa dalawa

- Ibinida rin ni Ray Parks ang bonggang mga singsing para sa kanyang "Bel"

Emosyonal ang naging proposal ni Bobby Ray Parks Jr. sa ngayong fiancée na niya na si Zeinab Harake.

Zeinab, engaged na kay Ray Parks: "Hindi 'to birthday ni Donna"
Zeinab, engaged na kay Ray Parks: "Hindi 'to birthday ni Donna" (Zeinab Harake YouTube)
Source: Youtube

Sa YouTube channel ni Zeinab, ibinahagi kung paano pinaghandaan ni Daddy Ray ang proposal kung saan bukod sa mga magulang at kapatid ni Zeinab, maging ang namayapa nitong kapatid na si Tara at anak na si Moon ay dinalaw niya upang ipaalam ang magandang intensyon at planong pagpapakasal sa kanyang Bel.

Si Rana, ang malapit na kapatid ni Zeinab ay buong pusong inihabilin ang kapatid kay Ray. Ganoon din ang ina ni Zeinab at ama nito na alam at ramdam na si Ray na ang lalake para sa kanilang anak.

Read also

Jelai Andres, ibinida ang love life nila ng mga kaibigang sina Zeinab at Donnalyn

Buong akala ni Zeinab na pupunta lang sila sa birthday party ng kaibigan niyang si Donna. Subalit laking gulat niya sa nadatnan na espesyal na lugar na inihanda ng kanyang Daddy Ray kung saan naroon din ang lahat ng mga taong malalapit sa kanila at saksi sa kanilang pagmamahalan.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Narito ang kabuuan ng mga kaganapan sa proposal ni Ray para kay Zeinab:

Si Zeinab Harake ay isa sa mga kilalang YouTuber content creators sa bansa na mayroon nang 14.1 million subscribers sa kanyang channel. Isa sa malaking break ni Zeinab noong taong 2023 ay ang pagkakaroon ng pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival. Ito ay ang "Kampon" na pinagbibidahan ni Derek Ramsay at Beauty Gonzales.

Samantala, patuloy na kinagigiliwan ang mga vlogs ni Zeinab lalo na kung kasama niya ang kanyang mga anak na sina Lucas at Bia. Gayundin ang kanyang boyfriend na si Ray Parks Jr. na hayagang ipinakikita kung gaano kahalaga si Zeinab at mga anak nito sa kanya.

Read also

Mo Twister, ipinakita ang mga kalmot sa mukha sa gitna ng hiwalayan nila ni Angelicopter

Matatandaang sa isang vlog ni Zeinab, minsan na nilang naging biruan ni Bobby Ray Parks Jr. na tinatawag din nilang 'Daddy Ray' ang pagpapakasal. Umagaw din ng atensyon ang umano'y pagtawag ni Ray kay Zeinab na "asawa ko." Maging ang kulitan nila sa pagsasabing "i-announce na natin." Nabanggit din ni Zeinab ang mga katagang 'ready ka na ba sa prenup?' at maging ang tungkol umano sa 'wedding song.'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica