Rhap Salazar, napabilib ang isang foreign drag queen sa kanyang pagkanta

Rhap Salazar, napabilib ang isang foreign drag queen sa kanyang pagkanta

- Umabot sa milyon-milyon ang views ng TikTok video ni Rhap Salazar kung saan kumanta siya para sa isang foreign drag queen

- Sa simula ng video ay nagtanong ang drag queen na si Mi$hal kung taga saan si Rhap at kung ano ang ginagawa nito

- Hindi naman agad sinabi ni Rhap na isa siyang professional singer kaya naman hindi maitago ng kausap niya ang pagkagulat nito nang marinig si Rhap

- Puring-puri niya ito sa pagkanta ni Rhap ng Because You Loved Me na pinasikat ni Celine Dion

Umabot sa milyon-milyon ang views ng TikTok video ni Rhap Salazar kung saan nagpakitang-gilas siya sa kanyang pagkanta para sa isang foreign drag queen. Sa simula ng video, nagtanong ang drag queen na si Mi$hal kung taga saan si Rhap at kung ano ang ginagawa nito.

Rhap Salazar, napabilib ang isang foreign drag queen sa kanyang pagkanta
Rhap Salazar, napabilib ang isang foreign drag queen sa kanyang pagkanta
Source: Facebook

Sa kanyang pagpapakilala, hindi agad sinabi ni Rhap na isa siyang professional singer, kaya naman labis ang pagkagulat ni Mi$hal nang marinig niya ang boses ni Rhap. Sa kanyang pagtatanghal, kinanta ni Rhap ang awiting "Because You Loved Me" na pinasikat ni Celine Dion.

Read also

Jake Ejercito, viral nang muling magbahagi ng 'unli haynako' convo nila ni Ellie

Hindi maitago ni Mi$hal ang kanyang paghanga at papuri sa husay ng pagkanta ni Rhap. Labis siyang napabilib sa talento ng Filipino singer. Dahil dito, marami ang naging interesado at patuloy na sinusubaybayan ang mga susunod na videos ni Rhap sa TikTok.

Nagpasalamat naman si Rhap sa mga nanood sa kanyang video na aniya ay umabot sa mahigit 5 milyon sa iba-ibang platforms.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

I have been receiving so much love and support from my last video upload. It has already reached more than 5 MILLION views across all platforms. Maraming Maraming Salamat po. I’ll try to do more contents like that soon. Love you all

Si Rhap Salazar ay isang kilalang mang-aawit at aktor sa Pilipinas. Nakilala siya sa larangan ng musika matapos manalo sa iba't ibang singing competitions. Naging tanyag siya nang manalo sa "Little Big Star," isang reality singing competition sa ABS-CBN, kung saan ipinakita niya ang kanyang husay sa pagkanta.

Read also

BINI Colet, nakatanggap ng bagong blessing mula sa kanyang bayang sinilangan

Ibinahagi ni Rhap ang nangyari sa kanyang audition sa X-Factor UK. Ipinahayag din niya ang kanyang panig tungkol sa isyu ng hindi naipalabas na audition tape. Sa kabila ng insidente, nanatiling umaasa at positibo si Rhap na darating ang mga pagkakataon para sa kanya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel