Lie Reposposa, masayang-masaya na naranasang mag-withdraw ng 1M

Lie Reposposa, masayang-masaya na naranasang mag-withdraw ng 1M

- Binahagi ni Angelie Reposposa ang kanyang kasiyahan nang maranasan niya na makapagwithdraw ng isang milyong piso

- Aniya, abot-abot ang pasasalamat niya sa Panginoon sa natanggap niyang blessing

- Nakwento niya ang karanasan nang sumali siya sa mga patimpalak kagaya ng Your Face Sounds Familliar at Pinoy Big Brother

- Hindi niya nakuha ang papremyo na milyon doon kahit muntik na rin siya manalo

Naghayag ng matinding kasiyahan si Angelie Reposposa matapos niyang makamit ang pagkakataong makapagwithdraw ng isang milyong piso. Sa isang pahayag, ipinahayag ni Reposposa ang kanyang lubos na pasasalamat sa Panginoon sa biyayang natanggap.

Lie Reposposa, masayang-masaya na naranasang mag-withdraw ng 1M
Lie Reposposa, masayang-masaya na naranasang mag-withdraw ng 1M
Source: Facebook

Binahagi niya ang kanyang karanasan sa mga naging patimpalak tulad ng Your Face Sounds Familiar at Pinoy Big Brother, kung saan aktibo siyang sumali. Bagamat hindi siya nakatanggap ng milyon na premyo, ipinahayag ni Reposposa na malapit na rin siyang maging paborito sa mga manonood at supporters.

Read also

Lie Reposposa, nagbahagi ng health update matapos tamaan ng TB

"Hindi ko alam kung deserve ko ba ito, pero alam ko pinaghirapan kong makuha ito," saad ni Reposposa sa kanyang mensahe. Aniya, maraming pagsubok ang kanyang dinaanan bago niya nakamit ang tagumpay na ito, at hindi niya makakalimutan ang pagtuturo ng kanyang mga magulang at mga taong sumusuporta sa kanya.

Sa huli, nagpahayag si Reposposa ng kanyang pagtitiwala sa plano ng Panginoon, na sa tamang panahon at pagkakataon, ibibigay Nito ang nararapat para sa kanya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Unang nakilala si Lie bilang si Angelie “Lie” Reposposa nang sumali siya bilang isa sa mga daily contender ng 'Tawag ng Tanghalan' sa It's Showtime. Hindi man pinalad na manalo, ito ang naging daan upang mapasali siya sa Pinoy Big Brother kung saan napabilang siya sa mga finalist matapos niyang hiranging isa sa nanalo sa kanilang batch.

Read also

Bea Borres, nawindang sa netizen na nanghingi sa kanya ng pera pampagawa ng bahay

Nabahala si Lie sa labis na paglalagas ng kanyang buhok at humingi ng payo mula sa netizens. Ibinahagi ni Lie na kita na ang kanyang anit at pinag-iisipan na niyang magpakalbo dahil sa sitwasyon. Hindi na raw niya alam kung normal pa ang dami ng buhok na nalalagas tuwing siya ay magsuklay. Sa kabila ng kanyang pinagdadaanan, nagpahayag si Lie na patuloy siyang lumalaban sa gitna ng kanyang pagkakasakit.

Ipinakita ni Lie ang larawan na ini-upload ng isang basher mula sa ibang bansa na may edited na mukha. Nakasaad sa caption ng post ang malisyosong mensahe na kapag isinalin sa English ay, “How are you going to ruin genetics like that, so fat." Sinabi ni Angelie na edited ang kanyang mukha sa larawan at hindi ito tunay. Nagdulot ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens ang insidenteng ito at nagpahayag si Angelie ng kanyang pagkadismaya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel