Team Malakas ni Rosmar, sinurpresa ang inang may 15 na mga anak sa Tondo

Team Malakas ni Rosmar, sinurpresa ang inang may 15 na mga anak sa Tondo

- Sinadya nina Rosmar Tan at Team Malakas ang tinitirahan ng isang ina na may 15 na mga anak

- Makikita sa video na halos hindi na sila magkasya sa tahanan ng mga ito sa Tondo

- Bukod sa tulong pinansyal, isang surpresa rin ang binigay ni Rosmar sa ina lalo na sa mga anak nito

- Matatandaang sa kabila umano ng kontrobersiyang kinaharap, tila patuloy pa rin umano sa pagtulong ang grupo ni Rosmar

Ibinahagi ni Rosmar Tan kung paano nila nabahaginan ng tulong ang ina sa Tondo na mayroong 15 mga anak.

Team Malakas ni Rosmar, sinurpresa ang inang may 15 na mga anak sa Tondo
Team Malakas ni Rosmar, sinurpresa ang inang may 15 na mga anak sa Tondo (Rosemarie Tan-Pamulaklakin)
Source: Facebook

Kasama ang umano'y nakilalang motivational speaker na si Rendon Labador at ilang miyembro pa nila ng Team Malakas, dinalaw nila ang mismong tahanan ng nasabing pamilya.

Makikita ang sitwasyon ng mag-iina na halos hindi na lalo magkasya sa kanilang tinitirhan nang pumasok na ang team ni Rosmar.

Read also

Pia Wurtzbach, nakulong sa elevator habang papunta sana sa isang show

Isa-isa rin nilang kinilala ang mga bata at mapapansin namang walang patid ang ngiti ni Rosmar dahil marahil alam nilang mapapasaya nila ang pamilyang ito sa sandaling iyon.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Bukod sa tulong pinansyal, dinala pa ng Team Malakas ang mag-iina sa Jollibee. Kapansin-pansin ang excitement ng mga bata pagpasok pa lamang sa kilalang fast food chain.

Narito ang buong kaganapan mula sa post ni Rosmar:

Si Rosmar Tan o Rosemarie Tan ay nakilala sa social media dahil sa kanyang pamamahagi ng tulong sa mga netizens lalo na noong kasagsagan ng pandemya.

Matatandaang nag-viral si Rosmar dahil sa kanyang ipon challenge noong 2017. Na sinundan naman ng kanya noong kakaibang restaurant kung saan super enjoy ang kanyang mga naging customers dahil tila nasa loob sila ng pet cage sa naturang kainan.

Read also

Vlogger, pinaniniwalaang pumanaw matapos gawin ang pinakahuling mukbang

Isa na siya sa mga kilalang CEO ng sarili niyang brand at habang parami nang parami ang tumatangkilik sa kanya, dumarami rin ang mga produktong naihahain niya sa kanyang mga supporters.

Kamakailan, naging usap-usapan muli si Rosmar matapos nitong bigyan ng blessings ang social media personality na si Diwata. Sinasabing nasa milyon-milyon ang halaga ng lahat ng naibahagi ni Rosmar kay Diwata. At sa kabila umano ng mga kontrobersiyang kanilang kinakaharap, patuloy pa rin siyang tumutulong sa mga nangangailangan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel