Pia Wurtzbach, nakulong sa elevator habang papunta sana sa isang show

Pia Wurtzbach, nakulong sa elevator habang papunta sana sa isang show

- Binahagi ni Pia Wurtzbach ang kanyang karanasan matapos makulong sa elevator

- Kasama niya ang kanyang kapatid na si Sarah at kanyang photographer na papunta sana sa isang show

- Umabot sa 10-15 minuto silang nakulong sa loob ng elevator at nakatawag naman ng tulong

- Ayon sa kanilang pag-uusap mukhang hindi na aabot sa dadaluhang show niya si Pia dahil sa delay

Ikinuwento ni Pia Wurtzbach ang isang nakakakabang karanasan matapos silang makulong sa elevator habang papunta sa isang show. Ayon kay Pia, kasama niya ang kanyang kapatid na si Sarah Wurtzbach at ang kanilang photographer na si Magic Liwanag noong nangyari ang insidente.

Sinabi niya na nakulong sila sa loob ng elevator ng humigit-kumulang 10-15 minuto bago sila nakatawag ng tulong.

Pia Wurtzbach, nakulong sa elevator habang papunta sana sa isang show
Pia Wurtzbach, nakulong sa elevator habang papunta sana sa isang show
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Read also

Lie Reposposa, nagbahagi ng health update matapos tamaan ng TB

Sa kanilang pag-uusap habang nasa loob ng elevator, nabanggit ni Pia na malamang hindi na siya aabot sa show na kanilang dadaluhan dahil sa pagkaantala.

Idinagdag pa ni Pia na kakaibang karanasan ito para sa kanila at hindi niya inakala na mararanasan niya ito sa totoong buhay.

Sa isang Instagram post, ibinahagi niya ang karanasan na para bang eksena lamang sa pelikula, at tinanong niya ang kanyang mga tagasunod kung ano ang gagawin nila kung sakaling makulong din sila sa isang elevator.

Thought we only saw this in movies Here’s another adventure with @sarahwurtzbach and @magicliwanag…on his birthday! What would you do if you got stuck in an elevator?

Si Pia Alonzo Wurtzbach ay isang Filipina-German model, actress, at beauty queen na kinoronahang Miss Universe 2015 noong December 20, 2015. Bago siya sumali sa mga beauty pageant ay nakilala siya bilang isang aktres.

Read also

Ivana Alawi, nabatukan ng kanyang mama dahil sa kanyang prank

Matatandaang bumuhos ang pagbati para kina Pia at Jeremy Jauncey matapos nilang isapubliko ang kanilang engagement. Ibinahagi ng beauty queen ang ilang pictures nila sa kanilang bakasyon sa Amanpulo. Hindi naman malinaw kung kailan naganap ang engagement ngunit base sa caption ni Pia, sa Amanpulo sila nag-celebrate.

Ikinasal na sina Pia at Jeremy at binahagi ito ni Pia sa pamamagitan ng isang Instagram post. Base sa kanyang post, March 24, 2023 sila ikinasal sa North Island of Seychelles. Proud na binandera ni Pia na sila ay opisyal nang sina Mr & Mrs Jauncey.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel