JM de Guzman, ibinida ang pagmamahalan nila ni Donnalyn Bartolome

JM de Guzman, ibinida ang pagmamahalan nila ni Donnalyn Bartolome

- Sa unang pagkakataon ay nag-post si JM de Guzman matapos nilang maging magkarelasyon ni Donnalyn Bartolome

- Sa kanyang post, binahagi ni JM ang ilang pictures nila ni Donnalyn kalakip ng kanyang paghayag ng pagmamahal kay Donnalyn

- Umani ito ng komento at kabilang sa mga ito ay komento mula sa malapit na kaibigan ni JM na si RC Muñoz

- Ani RC, masaya siya makita na masaya si JM na kanyang tinawag na 'kapatid'

Sa unang pagkakataon, ibinahagi ni JM de Guzman sa publiko ang kanilang relasyon ni Donnalyn Bartolome sa pamamagitan ng isang post sa social media. Sa nasabing post, binahagi ni JM ang ilang pictures nila ni Donnalyn na nagpapakita ng kanilang matamis na pagmamahalan.

JM de Guzman, ibinida ang pagmamahalan nila ni Donnalyn Bartolome
JM de Guzman, ibinida ang pagmamahalan nila ni Donnalyn Bartolome
Source: Instagram

Kasama rin sa post ang kanyang paghayag ng pagmamahal kay Donnalyn na umantig sa puso ng kanilang mga tagasubaybay.

Read also

Donnalyn Bartolome, boyfriend na si JM de Guzman: "Juan Miguel won"

Ang naturang post ay agad na umani ng maraming komento mula sa mga tagahanga at kaibigan ni JM. Isa sa mga nagkomento ay ang malapit na kaibigan ni JM na si RC Muñoz. Ani RC, masaya siya makita na masaya si JM, na tinawag pa niyang 'kapatid'.

Sa kasalukuyan, patuloy na umaani ng suporta at pagbati ang magkasintahan mula sa kanilang mga kaibigan at tagahanga, na nag-aabang pa ng mas marami pang masayang sandali mula sa kanilang relasyon.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

JM de Guzman, ibinida ang pagmamahalan nila ni Donnalyn Bartolome
JM de Guzman, ibinida ang pagmamahalan nila ni Donnalyn Bartolome
Source: Instagram

Si Donnalyn Bartolome ay isinilang noong July 9, 1994 sa Japan. Sumikat siya bilang isang singer, performer, YouTuber, producer, product endorser at social media influencer. Nakilala din siya sa kanyang mga awiting Happy Breakup, Di Lahat, Kakaibabe at Paskong Wala Ka.

Matatandaang kamakailan ay humingi ng dispensa si Donnalyn kaugnay sa kanyang baby-themed photoshoot para sa kanyang kaarawan. Aniya, honest mistake iyong nangyari at wala umano siyang intensiyong masama sa kanyang post. Gayunpaman, matapos umano niya mabasa ang mga saloobin ng ilan, napagtanto niyang may punto nga ang mga netizens. Minabuti niyang burahin na lamang ang mga pictures na kanyang na-post kasabay ng kanyang paghingi ng dispensa.

Read also

Claudine Barretto, kinaaliwan sa kanyang 'Thank you so much' video

Matapos ang kontrobersiyal niyang birthday photoshoot nasundan ito ng kanyang “kanto style” birthday party na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Sa naturang party, jeep at tricycle ang ginamit na mga sasakyan. Kumain din sila ng mga Pinoy street food, nag-videoke at naglaro sila ng mga Pinoy party games. Ilan sa mga dumalo sa kanyang party ay sina Ella Cruz, Zeinab Harake, Jelai Andres, Mikee Quintos, Paul Salas, Mika Salamanca, Awra Briguela, at Andre Paras.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel