Donnalyn Bartolome, boyfriend na si JM de Guzman: "Juan Miguel won"

Donnalyn Bartolome, boyfriend na si JM de Guzman: "Juan Miguel won"

- Opisyal nang magkasintahan sina Donnalyn Bartolome at JM de Guzman matapos ang mahigit isang taon ng pagkakaibigan at panunuyo

- Nagbahagi si Donnalyn ng detalye ng kanilang love story mula sa pinky promise hanggang sa paghingi ng basbas ng kanyang mga magulang sa Japan

- Noong Hunyo 22, 2023, sa kanilang anibersaryo, isinagawa ni Donnalyn ang isang espesyal na sorpresa para kay JM sa isang basketball court

- Maraming tagasuporta at kaibigan ang nagpahayag ng kasiyahan at suporta sa bagong yugto ng kanilang buhay

Ibinahagi ni Donnalyn Bartolome ang kanilang love story ng kanyang nobyong si JM de Guzman sa isang emosyonal na post sa social media. Ayon sa kanyang post, unang nagkakilala sina Donnalyn at JM noong Pebrero 16, 2022, at simula noon ay nagkaroon na sila ng espesyal na koneksyon.

Donnalyn Bartolome, boyfriend na si JM de Guzman: "Juan Miguel won"
Donnalyn Bartolome, boyfriend na si JM de Guzman: "Juan Miguel won"
Source: Instagram

Sa kanyang post, ibinahagi ni Donnalyn kung paano nagsimula ang kanilang relasyon sa isang pinky promise.

Read also

Charo Santos, pinakita ang reaksiyon nila ni 'Lena' matapos ang intense nilang eksena

Nagpatuloy ang kanilang espesyal na relasyon sa pagiging magkaibigan, ngunit tila may mas nakatadhanang mangyari sa kanilang dalawa. Sa kanilang exclusively dating phase, nagpalitan sila ng promise rings na simbolo ng kanilang unang pinky promise.

Nang handa na sila, lihim nilang dinisenyo ang kanilang promise rings, at sa tulong ni @Lesperance_Diamonds, naging perpekto ang bawat detalye nito. Nagdesisyon silang magtungo sa Japan upang humingi ng basbas mula sa mga magulang ni Donnalyn, at noong Hunyo 22, 2023, pormal nilang inanunsyo ang kanilang relasyon.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa isang nakakatuwang pagkakataon, isinagawa ni Donnalyn ang isang espesyal na sorpresa para kay JM, na nakasuot ng Hercules costume sa isang basketball court, na isa sa mga panaginip ni JM. Sa harap ng mga sumasayaw na Goddesses at habang si Donnalyn ay nag-aawit bilang Megara, naging opisyal na ang kanilang pagmamahalan.

Read also

Jake Zyrus, sinupalpal ang aniya'y hater na nagkomento sa kanyang boses

Maraming tagasuporta at kaibigan ng dalawa ang nagpahayag ng kanilang kasiyahan at suporta sa bagong yugto ng buhay nina Donnalyn at JM.

Si Donnalyn Bartolome ay isinilang noong July 9, 1994 sa Japan. Sumikat siya bilang isang singer, performer, YouTuber, producer, product endorser at social media influencer. Nakilala din siya sa kanyang mga awiting Happy Breakup, Di Lahat, Kakaibabe at Paskong Wala Ka.

Matatandaang kamakailan ay humingi ng dispensa si Donnalyn kaugnay sa kanyang baby-themed photoshoot para sa kanyang kaarawan. Aniya, honest mistake iyong nangyari at wala umano siyang intensiyong masama sa kanyang post. Gayunpaman, matapos umano niya mabasa ang mga saloobin ng ilan, napagtanto niyang may punto nga ang mga netizens. Minabuti niyang burahin na lamang ang mga pictures na kanyang na-post kasabay ng kanyang paghingi ng dispensa.

Matapos ang kontrobersiyal niyang birthday photoshoot nasundan ito ng kanyang “kanto style” birthday party na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Sa naturang party, jeep at tricycle ang ginamit na mga sasakyan. Kumain din sila ng mga Pinoy street food, nag-videoke at naglaro sila ng mga Pinoy party games. Ilan sa mga dumalo sa kanyang party ay sina Ella Cruz, Zeinab Harake, Jelai Andres, Mikee Quintos, Paul Salas, Mika Salamanca, Awra Briguela, at Andre Paras.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel