Karla Estrada, sinagot ang isang netizen: "Ikaw na mag desisyon para sa pamilya namin"

Karla Estrada, sinagot ang isang netizen: "Ikaw na mag desisyon para sa pamilya namin"

- Naglabas ng saloobin kamakailan si Karla Estrada kaugnay sa post ng isang online magazine tungkol sa binibenta niyang bahay

- Inalmahan niya ang pag-post ng naturang site ng tungkol sa binebenta niyang bahay at kasama pa ang picture nila ng kanyang pamilya

- Sa comment section, isang netizen ang nagkomento tungkol sa naging desisyon ni Karla na huwag nang ituloy ang pagbebenta

- Umani ng mga laughing reacts ang sagot ni Karla sa komento ng naturang netizen na ani Karla ay parang mas alam pa daw nito ang mga plano nila

Kamakailan ay naglabas ng saloobin si Karla Estrada kaugnay sa isang post ng isang online magazine tungkol sa binebenta niyang bahay. Inalmahan niya ang pag-post ng naturang site na may kasama pang larawan ng kanyang pamilya.

Karla Estrada, sinagot ang isang netizen: "Ikaw na mag desisyon para sa pamilya namin"
Karla Estrada, sinagot ang isang netizen: "Ikaw na mag desisyon para sa pamilya namin"
Source: Facebook

Sa comment section ng nasabing post, isang netizen ang nagbigay ng komento tungkol sa desisyon ni Karla na huwag nang ituloy ang pagbebenta ng kanilang bahay. Ayon sa netizen, tama ang desisyon ni Karla na huwag nang ibenta ang bahay.

Read also

Kris, nilinaw ang naging relasyon kay Mark Leviste; inaming may bagong 'pag-ibig'

That's his first pundar towards being an artista di ba po? Kaya sayang kung ibebenta nyo po. Ok lang naman po na titira kayo sa south area dahil may nabili na kayong bahay dun pero bahay nyo dyan sa Q.C punta puntahan na lang. Andyan lang pati bahay ni Daniel kapitbahay mo. Besides, you have relatives who can take care of your house when you are in your south area home."

Agad namang nagbigay ng kanyang tugon si Karla, na nagsabing, "Cge ate ikaw na magdesisyon para sa pamilya namin tutal parang mas alam mo ang aming mga plano. Sus ginoo ko pastilan. " Ang kanyang sagot ay umani ng maraming laughing reacts mula sa mga netizen.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Karla Estrada, sinagot ang isang netizen: "Ikaw na mag desisyon para sa pamilya namin"
Karla Estrada, sinagot ang isang netizen: "Ikaw na mag desisyon para sa pamilya namin"
Source: Instagram

Marami ang naaliw kay Karla sa kanyang pagiging prangka at sa kanyang pagtatanggol sa kanilang personal na desisyon bilang pamilya.

Read also

Lalaking nasa viral video sa San Juan, nagsalita na

Si Karla Estrada ay isang aktres, singer at TV host sa Pilipinas. Siya ang ina ng aktor na si Daniel Padilla. Isa si Karla sa orihinal na mga hosts ng programang Magandang Buhay kasama sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros.

Kamakailan, pinasalamatan ni Karla ang mga dumalo sa Pagkakaisa concert sa kabila ng pagbuhos ng ulan. Matatandaang ang anak niyang si Daniel Padilla ay nagpaunlak pa rin ng awitin sa kabila ng pag-ulan upang hindi mabigo ang mga nanonood sa nasabing pagtitipon.

Samantala, sa panayam sa kanya ni Bernadette Sembrano, naikwento ni Karla ang pinakamalungkot na alaala umano ni Daniel sa kanilang mag-ina. Nang malaman niya ito, sinulatan niya si Daniel at nag-sorry sa madalas umanong pag-iwan niya noon sa anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel