Karla Estrada, inalmahan ang 'house for sale' post na kasama ang kanilang fam photo

Karla Estrada, inalmahan ang 'house for sale' post na kasama ang kanilang fam photo

- Inalmahan ni Karla Estrada ang isang post tungkol sa umano'y binebenta niyang bahay

- Lalo na nang makita na kasama pa roon ang larawan ng kanilang pamilya

- May ilang mga nilinaw din si Karla tungkol sa naturang artikulo na aniya'y hindi na updated

- Isa na rin dito ang tungkol sa tahanan nilang ito, na hindi na raw niya umano ibinebenta

Umalma si Karla Estrada sa post ng isang online magazine patungkol sa umano'y binebenta nilang bahay.

Karla Estrada, inalmahan ang 'house for sale' article na kasama pa ang kanilang fam photo
Karla Estrada, inalmahan ang 'house for sale' article na kasama pa ang kanilang fam photo (Karla Estrada)
Source: Facebook

Minabuti ni Karla na magsalita na ukol sa napabalita noong pagbebenta ng kanilang tahanan.

"Nakakatuwa naman ang Preview.ph at may panahon pa na ma post ang bahay ko na for sale since 3 yrs ago. At hindi lang bahay ko ang may picture pati kami ng nga mga anak ko ha"

Tanong ni Karla, ano raw ang koneksyon ng kanyang kanilang family picture sa kanilang 'house for sale.'

Read also

Vlogger, pinaniniwalaang pumanaw matapos gawin ang pinakahuling mukbang

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Inalmahan din niya ang mga tila nagtatanong kung bakit kailangan pang sabihin ang dahilan ng pagbebentang ito.

"Ano ba ang dapat talaga pag nag benta ang isang tao ng ari arian nya. Ipaliwanag ang dahilan ng pagbebenta? Kasama ba sa requirements ng mga broker ang sabihin ang dahilan pag nag papa benta ng properties namin? Kailangan naghihirap na sa buhay agad kaya nagbebenta ng ari arian? Medyo malayo ata sa katotohanan yun. Kase masisipag kami sa buhay," ani Karla.

Dagdag pa ni Karla, wala umanong maayos na write-up ang naturang post.

"Basta na pinost nyo lang sa wall nyo eh napaka luma na ho at di nyo naman trabaho na ipost yan ng paulit ulit unless broker na ang pahayagan nyo."

Inihayag din ni Karla sa naturang post na hindi na nila umano pinagbibili ang tahanan nilang ito.

Read also

Melai, may ilan umanong kondisyon sakaling ibigay ang role ni AiAi sa Tanging Ina

"O Eto na Para narin sa latest update about my house , at ng matapos na ang luma nang balitang ito. my house is not for sale anymore! Kaya sa mga panay post dyan hangang ngayon, na mistulang pa broker na kayo, ayan na ang latest. Para updated naman ang posts ninyo. Kung ayaw nyo sa amin Wag nyo kami pag aksayahan ng panahon."

Narito ang kabuuan ng kanyang post:

Si Karla Estrada ay isang aktres, singer at TV host sa Pilipinas. Siya ang ina ng aktor na si Daniel Padilla. Isa si Karla sa orihinal na mga hosts ng programang Magandang Buhay kasama sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros.

Kamakailan, pinasalamatan ni Karla ang mga dumalo sa Pagkakaisa concert sa kabila ng pagbuhos ng ulan. Matatandaang ang anak niyang si Daniel Padilla ay nagpaunlak pa rin ng awitin sa kabila ng pag-ulan upang hindi mabigo ang mga nanonood sa nasabing pagtitipon.

Read also

Ogie Diaz, may bagong mensaheng nais iparating kay Diwata

Samantala, sa panayam sa kanya ni Bernadette Sembrano, naikwento ni Karla ang pinakamalungkot na alaala umano ni Daniel sa kanilang mag-ina. Nang malaman niya ito, sinulatan niya si Daniel at nag-sorry sa madalas umanong pag-iwan niya noon sa anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel