Ogie Diaz, may bagong mensaheng nais iparating kay Diwata

Ogie Diaz, may bagong mensaheng nais iparating kay Diwata

- May bagong paalalang nais na iparating si Ogie Diaz para kay Diwata

- Ito ay matapos niyang sagutin ang tanong ng netizens kung galit ba siya sa Diwata Pares Overload owner

- Matatandaang naging kontrobersyal ang ipinarating na komento kay Ogie ng unang nakatikim sa pares ni Diwata

- Gayunpaman, minsan nang nagkita ang dalawa at sinabi pa ni Ogie na willing siya i- guide si Diwata ngayong pinasok na rin nito ang showbiz

Muling nagbigay ng pahayag si Ogie Diaz patungkol kay Diwata. Sa isang socmed post ni Ogie, kasama pa rin umano sa madalas na matanong sa kanya ang tungkol sa isa sa mga social media star ngayon.

Ogie Diaz, may bagong mensaheng nais iparating kay Diwata
Ogie Diaz and Diwata (Ogie Diaz/ Diwata Pares Overload Updates)
Source: Facebook

"Mama Ogs, di ka naman galit kay Diwata? " and madalas pa rin daw umanong mausisa kay Ogie.

Sinabi naman nitong hindi sibalit nag-iwan siya ng paalala kay Diwata lalo na ngayong sikat na sikat hindi lamang ang negosyo nito kundi maging siya mismo.

Read also

Ogie Diaz, sinagot ang tanong ng netizens ukol kay Bea Alonzo

"Hindi. Tigilan lang sana yung panunuplada sa ibang nagpapa-picture lang. Kaya nga pumatok ang pares niya, dahil na-viral, dinayo," giit ni Ogie.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Sa showbiz nga, sa magagandang mukha lang nagpapa-picture ang karamihang fans eh. Kaya dapat samantalahin niya," dagdag pa niya.

Si Deo Jarito Balbuena na kilala bilang si Diwata at ang may-ari ng trending at pinipilahang Diwata Pares Overload na matatagpuan malapit sa GSIS building, Pasay City. Bukod sa abot kaya ang kanyang paninda ay sulit din ito at nakakabusog ayon sa kanyang mga naging customer at bumabalik-balik sa kanyang kainan. Sa halagang Php100, may pares na ito, unli-sabaw, unli rice at isang boteng softdrinks. Kaya naman hindi nakapagtatakang marami ang matiyagang pumipila sa Diwata Pares Overload.

Matatandaang natikman na rin sa wakasi ni Ogie Diaz ang pinipilahang pares ni Diwata. Aniya, okay naman ang lasa para sa halaga nito. Nang makausap din niya si Diwata, nasabing handa umano siyang i-guide ito lalo na at pinasok na rin nito ang showbiz.

Read also

Carla Abellana, sinagot ang tanong kung handa na ba sya sakaling magkita sila ni Tom Rodriguez

Samantala, matapos ang pagbibigay ni Rosmar kay Diwata ng bahay, isang milyong piso at iba pa umanong pang kabuhayan, naikwento nitong inalok pa niya ng makeover si Diwata. Natuwa siya sa naging reaksyon nito na aminadong kabado gayung rhinoplasty sana ang ipapagawa para sa kanya. Dahil dito, nasabi ni Rosmar na masarap umanong tulungan si Diwata gayung hindi raw ito abusadong tao.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica