Diwata, umalma sa kumalat na balitang sarado na ang paresan niya sa Quezon City

Diwata, umalma sa kumalat na balitang sarado na ang paresan niya sa Quezon City

- Minabuti ni Diwata na magsalita upang magpaliwanag tungkol sa kumakalat na balitang sarado na raw ang kanyang paresan sa Quezon City

- Aniya, ang kanyang maliit na paresan sa Litex ang paresan niya ang sarado niya pero ang kanyang paresan na bagong bukas lang sa QC ay bukas na bukas

- Mula 7 am to 11 pm daw ang oras ng kanilang pagbukas dahil kinailangan nilang mag-adjust ng oras dahil nasa residential area daw ang QC branch

- Nag-udyok din si Diwata sa netizens na huwag maniniwala sa fake news na nilalabas daw ng kanyang bashers

Nilinaw ni Diwata ang bali- balitang kumakalat na sarado na raw ang kanyang paresan sa Quezon City. Sa isang pahayag, ipinaliwanag niya na ang kanyang maliit na paresan sa Litex ang sarado, ngunit ang kanyang bagong bukas na paresan sa QC ay patuloy na operational.

Read also

Ryan Bang, masayang natupad ang dasal na makasama niya ang mga magulang

Diwata, umalma sa kumalat na balitang sarado na ang paresan niya sa Quezon City
Diwata, umalma sa kumalat na balitang sarado na ang paresan niya sa Quezon City
Source: Facebook

Ayon kay Diwata, bukas ang kanilang paresan sa Quezon City mula 7 am hanggang 11 pm. Tiniyak niya na kinailangan nilang mag-adjust ng oras dahil ito ay matatagpuan sa residential area.Aniya, araw-araw silang bukas at patuloy ang kanilang serbisyo sa kanilang mga customers.

Dagdag pa ni Diwata, nananawagan siya sa mga netizens na huwag maniwala sa mga pekeng balita na ipinapakalat ng kanyang mga bashers. Nagpapasalamat din siya sa suporta ng kanyang mga loyal na tagasuporta na patuloy na sumusuporta sa kanilang negosyo.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Deo Jarito Balbuena na kilala sa online world bilang si Diwata at ang may-ari ng trending at pinipilahang Diwata Pares. Bukod sa abot kaya ang kanyang paninda ay sulit din ito at nakakabusog ayon sa kanyang mga customer.

Sinagot ni Diwata ang inihayag na opinyon ni Mystica patungkol sa kanya. Sinabi ni Mystica na yumabang na raw si Diwata at tumaas na ang ere matapos nitong sumikat. Para kay Diwata, hindi naman importante sa buhay niya si Mystica kaya hindi na daw dapat niya itong pansinin. Dagdag pa niya, ang pinakamahalaga sa kanya ay ang kanyang negosyo.

Minabuti ni Rosmar Tan na magsalita upang dipensahan si Diwata sa mga negatibong komento. Kabilang na dito ay ang komentong yumabang na raw ito matapos ilabas ng ilang vloggers ang video na tila hindi sila napagbigyan ni Diwata. Ani Rosmar, pinayuhan niya si Diwata na huwag na lang magpakita muna kung kailangan niyang magpahinga kesa makuhanan siya ng video. Aniya, maging siya ay nakakaranas ng hindi maganda mula sa mga nagpapa-picture pero natutunan daw niyang kontrolin ang kanyang emosyon.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags:
Online view pixel