Francine Diaz, nagtapos sa Senior High School sa kabila ng pagtatrabaho

Francine Diaz, nagtapos sa Senior High School sa kabila ng pagtatrabaho

- Matagumpay na nagtapos ng Senior High School sa Southville International School ngayong 2024 si Francine Diaz

- Proud na ibinahagi ng Star Magic ang milestone ni Francine sa kanilang social media pages

- Nagpakita ng suporta at paghanga ang mga fans at netizens sa comment section

- Plano ni Francine kumuha ng kursong Business Management sa kolehiyo

Isang malaking tagumpay ang naabot ng Kapamilya young actress na si Francine Diaz matapos niyang magtapos ng Senior High School ngayong 2024. Ang masayang balita ay ipinagmalaki ng Star Magic sa kanilang social media pages, kung saan ibinahagi nila ang mga moments ni Francine sa kanyang graduation day sa Southville International School.

Francine Diaz, nagtapos sa Senior High School sa kabila ng pagtatrabaho
Francine Diaz, nagtapos sa Senior High School sa kabila ng pagtatrabaho
Source: Instagram

Makikita sa Instagram post ang mga larawan ni Francine kasama ang kanyang mga magulang at mga kaklase. “That’s our Chin!! [clapping hands emoji] Cheers on your academic milestone, #FrancineDiaz!” ang caption ng post.

Read also

Pinoy group na sumali sa AGT, biglang pinahinto ni Simon Cowell sa pagkanta

Nagpaabot din ng mensahe ang Star Magic, “Your Star Magic family will always be here to support your endeavors,” na sinundan ng hashtags na “Tatak Star Magic.”

Maraming netizens ang nagpaabot ng kanilang paghanga at suporta sa achievement ni Francine sa comment section.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Noong Disyembre ng nakaraang taon, ipinahayag ni Francine ang kanyang kagustuhang makapag-aral muli at makatapos ng Senior High School.

Sa kabila ng kanyang abalang schedule sa showbiz, nanatili siyang committed sa kanyang pag-aaral dahil pangarap niyang makatapos ng college.

Plano niyang kumuha ng kursong may kinalaman sa pagnenegosyo, “Ang gusto ko po mag-business management.”

Si Francine Diaz ay unang sumikat sa teleseryeng Kadenang Ginto kung saan nakasama niya sina Andrea Brilliantes, Kyle Echarri at Seth Fedelin. Sila Kyle at Francine ay unang itinambal sa naturang teleserye kung saan nabuo ang tambalang kung tawagin ay "KyCine" na mula sa pinagsamang pangalan ng dalawa.

Read also

Rendon Labador, may panibagong post: "Sana panaginip lang ang lahat"

Kabilang si Francine sa mga kinilig sa K-drama star na si Kim Soo Hyun matapos niya itong makita nang personal. Pumunta siya sa Mall of Asia Arena para dumalo sa meet and greet event ng K-drama star. Nakaharap niya ito nang malapitan at nakatanggap pa ng isang poster mula sa It's Okay to Not Be Okay star. Hindi nito maitago ang kanyang kilig sa kanyang binahaging picture na kuha nang magkaharap sila.

Kamakailan ay kinaaliwan sina Luis Manzano at Francine sa isang episode ng YouTube show ni Luis na "Luis Listens." Masayang sinagot ng aktres ang mga katanungan ni Luis na mayroong seryoso at marami ring mga patawang mga tanong. Marami ang naaliw at natuwa dahil nasasabayan ni Francine ang pagiging palabiro ni Luis. Sa katunayan ay marami sa mga viewers ng vlog ni Luis ay humihiling ng kasunod pang video na magkasama sila ng dalaga.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate