Carla Abellana, sinagot ang tanong kung handa na ba sya sakaling magkita sila ni Tom Rodriguez

Carla Abellana, sinagot ang tanong kung handa na ba sya sakaling magkita sila ni Tom Rodriguez

- Sinagot ni Carla Abellana ang tanong kung handa na raw ba siya sakaling mag-krus ang landas nila ni Tom Rodriguez

- Sa panayam na binahagi ni Rose Garcia sa kanyang YouTube channel, hindi naman na daw kailangan niyang pansinin o makikipag-usap pa kay Tom

- Pero aniya ay hindi pa talaga siya handa na makatrabahong muli ang kanyang dating asawa

- Matatandaang nagbalik na rin sa GMA Network si Tom kung saan kabilang din si Carla

Sinagot ni Carla Abellana ang katanungan kung handa na ba siyang muling makita ang kanyang dating asawa na si Tom Rodriguez sakaling mag-krus ang kanilang landas. Sa isang panayam na ibinahagi ni Rose Garcia sa kanyang YouTube channel, inamin ni Carla na hindi niya kailangang pansinin o makipag-usap pa kay Tom.

Carla Abellana, sinagot ang tanong kung handa na ba sya sakaling magkita sila ni Tom Rodriguez
Carla Abellana, sinagot ang tanong kung handa na ba sya sakaling magkita sila ni Tom Rodriguez
Source: Youtube

Bagaman malinaw ang kanyang sagot, sinabi rin ni Carla na hindi pa talaga siya handa na makatrabahong muli ang kanyang dating asawa.

Read also

Lovely Abella, pina-cancel ang flight; hindi kinayang malayo sa anak

Aniya, ito ay bilang pagpapakita na rin ng kanyang respeto sa space ni Tom at ng buhay niya.

Matatandaang nagbabalik sa GMA Network Tom, kung saan nagkasama rin sila dati sa ilang proyekto at kung saan nabuo ang kanilang on-screen tandem na kinalaunan ay humantong sa kasalan ngunit hindi din nagtagal at naghiwalay ang dalawa.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Tom Rodriguez ay isang kilalang aktor at mang-aawit sa Pilipinas. Unang sumikat si Tom sa pag-arte sa telebisyon bilang bahagi ng reality show na "Pinoy Big Brother: Double Up" noong 2009. Pagkatapos nito, nagsimula siyang maging isang regular na artista sa mga teleserye at palabas sa telebisyon. Ang ilan sa kanyang mga popular na proyekto ay kinabibilangan ng "My Husband's Lover" at "Angelito: Batang Ama."

Si Tom ay muling naging usap-usapan matapos ang kanyang mga nakakaintrigang Instagram post at pahayag. Sa kanyang Instagram story ay nag-post si Tom Rodriguez ng picture ng isang lalaking may nakatakip na tape sa bibig. Kasunod nito ay sinagot niya ang mga komento ng ilang netizens sa kanyang post ng larawan ng atomic bomb explosion. Tinanong siya ng isang netizen kung bakit ito nanahimik tungkol sa isyu at sa kanyang sagot ay nabanggit niya ang tungkol sa gag order.

Read also

Bea Alonzo, sinagot ang tanong kung in love siya sa kasalukuyan

Ayon kay Tom, umalis siya sa bansa noong March 13 matapos mapagtantong sinukuan na ni Carla Abellana ang kanilang pagsasama. Ito ay sa kabila umano ng kanyang mga effort para maayos pa ang kanilang relasyon. Naibahagi niya din na pinal na ang divorce decree sa kasal nila at hangad niya umano na matupad ang birthday wish ni Carla na maging maligaya na ito. Bilang isang US citizen, maari siyang mag-file at aprubahan ng korte ang Petition of Recognition of Foreign Divorce Decree.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate