Pinoy group na sumali sa AGT, biglang pinahinto ni Simon Cowell sa pagkanta
- Sa kalagitnaan ng kanilang performance, pinahinto ang Pinoy singing group na L6 ni Simon Cowell
- Sinabi pa naman nilang pangarap ng kanilang pamilya na makarating sa entablado ng "America's Got Talent"
- Naluha ang ilang miyembro nila nang biglang pahintuin ng kilalang judge ng contest na ito
- Subalit naiyak din sila sa tuwa nang matapos ang kanilang performance
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Nagulat ang mga nanood ng America's Got Talent kamakailan nang biglang pahintuin ni Simon Cowell ang Pinoy singing group na L6 na sumali sa nasabing contest.
Halos kasisimula pa lamang ng awitin, itinaas na ni Simon ang kanyang kamay, senyas na pansamantala munang huminto ang grupo.
"There are a lot of singing groups. Do something which I think is gonna help you. Lose the track. Because in my opinion, the track was terrible. And there are many great acapella groups and I think you've got a potential to be a great acapella group," paliwanag ni Simon.
Dahil dito, binigyan pa sila ng isa pang pagkakataong gawin muli ang kanilang performance na acapella lamang.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ibinahagi ng grupo sa kanilang social media ang nakakakabang karanasang ito at kung ano ang kanilang naramdaman sa mga oras na iyon.
"Parang hinihigop kmi ng stage at Hindi namin akalain na mag acapella kmi.GRABE yong Kaba namin at pressure" ang caption ng video ng kanilang performance nang maibahagi rin nila ito sa kanilang page.
Narito ang kabuuan ng kanilang 'standing ovation' performance ng L6 mula sa America's Got Talent:
Ang America's Got Talent ay isang reality show sa Amerika na nagtatampok sa mga amateur performers. Ngayong 2023, ika-18 na season na ng programa na nagsimula pa noong 2006.
Samantala, taong 2020, sumabak ang kilalang mahusay na performer ng bansa na si Marcelito Pomoy sa nasabing paligsahan. Marami ang humanga lalo kay Marcelito dahil sa kakayanan niyang kumanta ng mapa-babae o mapa-lalaking boses. Dahil sa kanyang husay, umabot siya sa Finals ng naturang season ng AGT sa kabila ng mga kinaharap nitong kontrobersya.
Noong nakaraang taon lamang, isa ring Pinoy ang nakakuha ng apat na yes sa naturang paligsahan. ito ay si "Bunot" na tinaguriang "Michael Bolton ng Pilipinas." Nilamon ni Roland ang stage sa kanyang bersyon ng 'When a man loves a woman' ni Percy Sledge.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh