Pops Fernandez at Martin Nievera, kinaaliwan sa kanilang bonding moment kasama ang apo

Pops Fernandez at Martin Nievera, kinaaliwan sa kanilang bonding moment kasama ang apo

- Kinaaliwan sina Pops Fernandez at Martin Nievera sa kanilang bonding moment kasama ang bagong apo, si Baby Phineas

- Si Pops Fernandez ay masayang nagbahagi sa social media ng kanilang pagkikita ni Baby Phineas, anak ni Robin Nievera

- Kitang-kita naman si Martin na tuwang-tuwa sa paglalaro at pagpapasaya kay Baby Phineas sa kanilang bonding time

- Nitong taong ito lang nagkaroon si Pops ng pagkakataong makasama nang personal ang kanyang apo, na isang espesyal na karanasan para sa Concert Queen

Nakapagbahagi ng mga nakakaaliw na video si Pops Fernandez kung saan makikitang yakap-yakap niya ang kanyang apo.

Pops Fernandez at Martin Nievera, kinaaliwan sa kanilang bonding moment kasama ang apo
Pops Fernandez at Martin Nievera, kinaaliwan sa kanilang bonding moment kasama ang apo
Source: Instagram

Samantala, si Martin Nievera naman ay inaaliw at nilalaro ang kanyang apo na tila'y napapasaya siya.

Nitong taong ito lamang nakasama ni Pops ang kanyang apo, na anak ni Robin Nievera at ng kanyang partner na si Mian Acoba.

Sa isang post sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Pops ang kanyang kasiyahan sa pagkikita nila ng apo na si Baby Phineas.

Read also

Lie Reposposa, ibinida ang masayang bonding ng papa niya at ng kanyang boyfriend

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa pagbisita niya sa "Magandang Buhay" noong nakaraang buwan, ipinahayag ni Fernandez ang kanyang excitement sa pagkikita nila.

Manatili sa mga susunod na balita para sa mga karagdagang update at kwento tungkol sa kanilang bonding moments.

Si Maria Cielito "Pops" Lukban Fernandez ay nagsimulang makilala sa larangan ng musika sa edad na 16. Pumirma siya ng kontrata sa OctoArts Records noong 1981. Taong 1995 nang mapasama siya sa cast ng ASAP kasama ang kanyang dating asawang si Martin Nievera, kasama din sina Dayanara Torres at Ariel Rivera.

Sa isang video kamakailan, kinaaliwan ang caption ni Pops. Kasama niya sa ibinahaging video ang dating asawang si Martin habang kumakanta ito. Inunahan na ni Pops ang mga netizens na huwag ma-excite dahil nagpa-practice lamang si Martin at hindi siya nito kinakantahan.

Read also

Sarina Hilario, nakipagsabayan ng kantahan sa meet and greet niya with BINI

Sa ibinahaging picture ni Pops, nakasama niya ang mga anak at ang dati nitong asawa na si Martin. Bukod sa kanyang mag-aama, kasama din sa ibinahagi niyang picture ang past at present na karelasyon ni Martin. Ito ay ang dating ka live-in ni Martin na si Katrina Ojeda at current girlfriend ng Concert King na si Anj del Rosario. Ang pagsasama-sama nila ay para sa maagang pagdiriwang ng kaarawan ni Martin at ng anak nilang si Ram Nievera.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel