Rendon Labador, may panibagong post: "Sana panaginip lang ang lahat"
- Ibinahagi ni Rendon Labador sa kanyang social media ang kanyang hugot post matapos ideklarang persona non-grata sa Palawan
- Ayon kay Labador, umaasa siyang sana ay panaginip lang ang lahat ng nangyari at nagkatampuhan lamang sila
- Nagpasalamat siya sa mga magagandang alaala at ipinahayag ang kanyang pagmamahal sa mga taong sumuporta sa kanya
- Ang kanyang mensahe ay umani ng mga reaksyon mula sa kanyang mga tagasuporta sa social media
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Sa gitna ng kontrobersiya matapos ideklarang persona non-grata sa lalawigan ng Palawan kasama sina Rosmar Tan at iba pang miyembro ng Team Malakas, binahagi ni Rendon Labador sa kanyang social media ang kanyang saloobin.
Aniya, "Sana panaginip lang ang lahat, at nagkatampuhan lang tayo. Wala parin akong ibang hangad kundi ang ikabubuti mo. Andito lang ako kapag kailangan mo ako."
Sinabi rin niya, "Maraming salamat sa mga magagandang ala-ala. Ma-mimiss kita. Hanggang sa muli."
Nagtapos ang kanyang post ng ganito: "Nagmamahal... -Kuya Rendon."
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Nag-ugat ang kanyang mensahe matapos ang kontrobersiyal na desisyon ng Palawan na ideklarang persona non-grata ang grupo, na nagdulot ng malawakang reaksyon mula sa mga tagahanga at tagasuporta ni Labador.
Bago ang deklarasyon ay naglabas ng public apology ang grupo kaugnay sa insidente sa Coron.
Si Rosmar Tan o Rosemarie Tan ay nakilala sa social media dahil sa kanyang pamamahagi ng tulong sa mga netizens lalo na ngayong panahon ng pandemya. Unti-unting lumaki ang bilang ng mga taong naka-follow sa kanyang social media accounts.
Matatandaang naging emosyonal ang vlogger na si Rosemar kaugnay sa video kung saan pinagtatawanan umano ang dati niyang itsura. Inalmahan niya ang umano'y pangbu-bully sa kanya ng ilang sikat na influencer sa TikTok. Mayroon din umanong screenshot ng conversation ng mga ito ng kanilang pangbu-bully kay Rosmar. Tila naman humingi na ito ng saklolo sa tinaguriang sumbungan ng bayan, ang "Raffy Tulfo in Action" na kanyang binanggit sa kanyang post.
Sinabi ni Rosmar na hindi talaga siya nagparetoke dahil natatakot umano siya. Nagpaturok lang umano siya para masubukan yung enhancement para magkaroon siya ng ilong na kagaya sa mga artista. Sa naturang video ay ginalaw pa niya ang kanyang ilong bilang patunay na hindi umano siya nagparetoke. Dagdag pa niya, alam umano niya na isang taon lang ang bisa ng kanyang pagpapaturok at bumalik na sa dati ang kanyang ilong.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh