Lie Reposposa, ibinida ang masayang bonding ng papa niya at ng kanyang boyfriend

Lie Reposposa, ibinida ang masayang bonding ng papa niya at ng kanyang boyfriend

- Pinakita ni Lie Reposposa ang nakakaaliw na video kung saan makikita ang kanyang papa at ang kanyang boyfriend na si Paul Joshua Marsden

- Sinusubukang turuan ng papa niya si Paul ng Bisaya habang si Paul naman ay magiliw na nakikinig at nakikisabay

- Naroroon din ang mama ni Lie na kamakailan ay nakabati niya matapos ang kanilang tampuhan

- Nitong nagdaang Father's Day ay binigyan ni Lie ng sorpresa ang kanyang papa

Pinakilig ni Lie Reposposa ang kanyang mga followers sa social media matapos ibahagi ang isang masayang video na nagtatampok sa bonding ng kanyang papa at ng kanyang boyfriend na si Paul Joshua Marsden.

Lie Reposposa, ibinida ang masayang bonding ng papa niya at ng kanyang boyfriend
Lie Reposposa, ibinida ang masayang bonding ng papa niya at ng kanyang boyfriend
Source: Facebook

Sa nasabing video, makikita ang kanyang papa na sinusubukang turuan si Paul ng Bisaya habang magiliw na nakikinig at nakikisabay si Paul, na ikinatuwa ng maraming netizens.

Ang video ay nagpakita ng kakaibang chemistry at samahan ng pamilya ni Lie, lalo na't naroroon din ang kanyang mama, na kamakailan lamang ay nakabati ni Lie matapos ang isang tampuhan.

Read also

Janine Seit Sagario, abot-abot ang pasasalamat sa kanilang take 2 ng pagpapakasal

Matatandaang nitong nagdaang Father's Day, pinatunayan ni Lie ang kanyang pagmamahal sa kanyang papa sa pamamagitan ng isang espesyal na sorpresa. Hindi maikakaila ang saya at tuwa ng kanyang papa, na labis na ikinatuwa ng kanilang mga tagasubaybay.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Unang nakilala si Lie bilang si Angelie “Lie” Reposposa nang sumali siya bilang isa sa mga daily contender ng 'Tawag ng Tanghalan' sa It's Showtime. Hindi man pinalad na manalo, ito ang naging daan upang mapasali siya sa Pinoy Big Brother kung saan napabilang siya sa mga finalist matapos niyang hiranging isa sa nanalo sa kanilang batch.

Nabahala si Lie sa labis na paglalagas ng kanyang buhok at humingi ng payo mula sa netizens. Ibinahagi ni Lie na kita na ang kanyang anit at pinag-iisipan na niyang magpakalbo dahil sa sitwasyon. Hindi na raw niya alam kung normal pa ang dami ng buhok na nalalagas tuwing siya ay magsuklay. Sa kabila ng kanyang pinagdadaanan, nagpahayag si Lie na patuloy siyang lumalaban sa gitna ng kanyang pagkakasakit.

Read also

YouTube content creators na sina Viy Cortez at Cong TV, ikinasal na

Ipinakita ni Lie ang larawan na ini-upload ng isang basher mula sa ibang bansa na may edited na mukha. Nakasaad sa caption ng post ang malisyosong mensahe na kapag isinalin sa English ay, “How are you going to ruin genetics like that, so fat." Sinabi ni Angelie na edited ang kanyang mukha sa larawan at hindi ito tunay. Nagdulot ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens ang insidenteng ito at nagpahayag si Angelie ng kanyang pagkadismaya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel