Diwata, nakipagsabayan sa ilang kilalang artista sa sagala sa Malabon

Diwata, nakipagsabayan sa ilang kilalang artista sa sagala sa Malabon

- Hindi nagpahuli si Diwata sa iba pang mga nag-sagala sa Malabon

- Masasabing bongga ang kanyang gown na labis niyang ipinagpapasalamat at 'ganda-gandahan' umano siya sa gabing iyon

- Nang ipakita ang video ng kaganapan sa sagala, maririnig ang hiyawan ng mga tao ng kanyang pangalan maging ang salitang 'pares'

- Sinasabing isa sa mga nagsagala rin sa gabing iyon ay si Herlene Budol

Ibinahagi ni Diwata ang ilang mga kaganapan sa kanyang pagsagala sa Malabon.

Diwata, nakipagsabayan sa ilang kilalang artista sa sagala sa Malabon
Diwata (Diwata, nakipagsabayan sa ilang kilalang artista sa sagala sa Malabon)
Source: Facebook

Sa kanyang YouTube channel, sinabi ni Diwata na 'ganda-gandahan' umano siya at naimbitahang rumampa sa nasabing lugar.

Ibinida niya muna ang kanyang bonggang gown at pinasalamatan ang stylist at designer na gumawa nito.

Ayon pa kay Diwata, ilang mga artista at influencers din ang naroon para sumagala tulad niya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Read also

Ama ng triplets na panauhin ng Toni Talks, emosyonal sa kanyang Father's Day post

"Makipagsabayan muna tayo dito sa mga ganda-gandahan. Kasi nandito sina Katrina Halili, Nakita ko si Herlene Budol, 'yung ibang influencers... So and daming sikat na personalidad ang nandito."

At nang rumampa na siya sa ilang kalsada sa Malabon, maririnig ang hiyawan ng mga tao ng kanyang pangalan, maging ng salitang 'pares', na siyang nagpasikat kay Diwata.

Narito ang buong kaganapan ng sagala ni Diwata mula sa kanyang diwata pares overload Official account YouTube:

Si Deo Jarito Balbuena na kilala bilang si Diwata at ang may-ari ng trending at pinipilahang Diwata Pares Overload. Bukod sa abot kaya ang kanyang paninda ay sulit din ito at nakakabusog ayon sa kanyang mga naging customer at bumabalik-balik sa kanyang kainan.

Sa isang post ni Rosmar Tan, todo puri niya si Diwata na masarap umanong tulungan dahil hindi raw ito abusado. Matatandaang ang CEO na si Rosmar ang sinasabing may pinakamalaking naibahaging biyaya kay Diwata na umabot ng milyon-milyon ang halaga.

Read also

Diwata, ibinida ang kanyang bonggang outfit para sa pagrampa niya sa sagala sa Malabon

Hindi naman nalalayo ang naging komento ng respetadong aktor at direktor na si Coco Martin na hanga umano kay Diwata na aniya'y masarap tulungan dahil sa pagiging likas din nitong kabaitan. Sa isang interview sa kanya ng ABS-CBN, naikwento ni Coco kung paano niya nakuha si Diwata upang maging bahagi ng FPJ Batang Quiapo. Bagama't kabado sa umpisa, kinakitaan niya ito ng dedikasyon at determinasyon dahilan para maging regular na umano ito sa naturang serye na tulad ng pares ni Diwata ay pinakaaabangan din ng marami.

Samantala, Dinagsa ng marami ang grand opening ng Diwata Pares Overload branch sa Quezon City. Ibinahagi ni Diwata ang mga kaganapan bago pa man magsimula ang munting programa sa pagbubukas ng nasabing branch. Ipinasilip din niya ang mga bago sa menu ng Diwata Pares Overload. ilan sa mga ito ay 'Diwata Sokoleyt overload', 'Diwata Hotdog Overload', 'Diwata Family Siken' at 'Diwata Spagiti Overload'.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags:
Online view pixel