Donnalyn Bartolome, naging emosyonal sa kanyang 'I'm Adopted' video

Donnalyn Bartolome, naging emosyonal sa kanyang 'I'm Adopted' video

- Ibinahagi ni Donnalyn Bartolome ang kanyang Father's Day surprise para sa kanyang step father

- Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi niya katotohanan sa likod ng kanyang pagkatao

- Pinasalamatan niya ang kanyang stepfather na siyang tumayong ama sa kanya

- Hindi naman daw siya nagtanim ng sama ng loob sa kanyang biological father pero inihayag niya ang kanyang pagpapahalaga sa kanyang step father

Ibinahagi ni Donnalyn Bartolome ang isang espesyal na Father's Day surprise para sa kanyang stepfather sa kanyang bagong vlog na pinamagatang "I'm Adopted."

Sa video na ito, naging bukas si Donnalyn tungkol sa isang mahalagang bahagi ng kanyang buhay—ang katotohanan sa likod ng kanyang pagkatao.

Donnalyn Bartolome, naging emosyonal sa kanyang 'I'm Adopted' video
Donnalyn Bartolome, naging emosyonal sa kanyang 'I'm Adopted' video
Source: Youtube

Sa emosyonal na vlog, pinasalamatan ni Donnalyn ang kanyang stepfather na siyang tumayong ama para sa kanya simula noong siya'y bata pa. Ayon sa kanya, labis ang kanyang pagpapahalaga sa pagmamahal at suporta na ibinigay ng kanyang stepfather, na tinuring siyang tunay na anak.

Read also

YouTube content creators na sina Viy Cortez at Cong TV, ikinasal na

Bagaman hindi nagtanim ng sama ng loob si Donnalyn sa kanyang biological father, inihayag niya ang kanyang masidhing pasasalamat sa kanyang stepfather.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ang video na ito ay umani ng maraming reaksyon mula sa kanyang mga tagahanga, na nagpahayag ng kanilang suporta at paghanga sa katapangan ni Donnalyn na ibahagi ang kanyang kwento.

Si Donnalyn Bartolome ay isinilang noong July 9, 1994 sa Japan. Sumikat siya bilang isang singer, performer, YouTuber, producer, product endorser at social media influencer. Nakilala din siya sa kanyang mga awiting Happy Breakup, Di Lahat, Kakaibabe at Paskong Wala Ka.

Matatandaang kamakailan ay humingi ng dispensa si Donnalyn kaugnay sa kanyang baby-themed photoshoot para sa kanyang kaarawan. Aniya, honest mistake iyong nangyari at wala umano siyang intensiyong masama sa kanyang post. Gayunpaman, matapos umano niya mabasa ang mga saloobin ng ilan, napagtanto niyang may punto nga ang mga netizens. Minabuti niyang burahin na lamang ang mga pictures na kanyang na-post kasabay ng kanyang paghingi ng dispensa.

Read also

Ray Parks, nagpasalamat sa pagbati ni Zeinab Harake sa kanyang 'first Father's day'

Matapos ang kontrobersiyal niyang birthday photoshoot nasundan ito ng kanyang “kanto style” birthday party na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Sa naturang party, jeep at tricycle ang ginamit na mga sasakyan. Kumain din sila ng mga Pinoy street food, nag-videoke at naglaro sila ng mga Pinoy party games. Ilan sa mga dumalo sa kanyang party ay sina Ella Cruz, Zeinab Harake, Jelai Andres, Mikee Quintos, Paul Salas, Mika Salamanca, Awra Briguela, at Andre Paras.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel