Beks Battalion, may pasilip sa bagong comedy bar ni Vice Ganda

Beks Battalion, may pasilip sa bagong comedy bar ni Vice Ganda

- Pinasilip ng nina MC, Lassy at Chad Kinis ang comedy bar na pinapatayo na pagmamay-ari ni Vice Ganda

- Sa kanilang bagong vlog ay namahagi sila ng pagkain sa mga construction workers doon

- Masayang-masaya sila na malapit na daw magbukas ang kanilang bagong tahanan

- Biniro naman nina Chad at Lassy si MC at tinawag na boss dahil shareholder umano ito sa Vice Ganda Comedy Club

Sa kanilang pinakabagong vlog, pinasilip ng Beks Battalion ang itinatayong comedy bar na pagmamay-ari ni Vice Ganda. Ang trio na sina MC, Lassy, at Chad Kinis ay nagbigay ng munting tour sa nasabing lugar na malapit nang magbukas.

Beks Battalion, may pasilip sa bagong comedy bar ni Vice Ganda
Beks Battalion, may pasilip sa bagong comedy bar ni Vice Ganda
Source: Youtube

Sa vlog, kitang-kita ang kasiyahan ng grupo habang namamahagi sila ng pagkain sa mga construction workers na tumutulong sa pagtatayo ng bagong comedy bar. Ayon kina MC, Lassy, at Chad, masayang-masaya sila at excited na sa nalalapit na pagbubukas ng kanilang bagong tahanan.

Read also

Nico Locco, nag-post tungkol sa taong aniya ay bully

Biniro naman nina Chad at Lassy si MC at tinawag na "boss" dahil umano'y isa itong shareholder sa Vice Ganda Comedy Club. Ang biruang ito ay nagdala ng tawanan sa kanilang mga tagasubaybay na mas lalong nagpatingkad sa kanilang vlog.

Aabangan ng marami ang pormal na pagbubukas ng bagong comedy bar ni Vice Ganda, na tiyak na magbibigay ng maraming saya at tawanan sa kanilang mga fans.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Kinaaliwan si Kim Chiu matapos ibuking ni Vice Ganda na konting kibot daw naiiyak si Kim Chiu. Sa kanilang pag-uusap sa episode ng It's Showtime, pinuna ni Vice ang naging reaksiyon ni Kim sa kanyang pagkukuwento. Hirit naman ni Vhong Navarro, nagiging baka daw si Kim. Tawang-tawa naman si Kim sa mga hirit na ito ng kanyang mga co-hosts.

Kinaaliwan din ang biruan nina Vice Ganda at Jhong Hilario sa Isip Bata segment ng It's Showtime. Pabirong sinabi ni Vice Ganda sa madlang people na i-mass report si Jhong. Tawang-tawa naman silang mga host sabay sabi ni Jhong na na-block na nga daw siya ng Facebook. Matatandaang naging biruan nila ito simula nang matanggal ang Facebook page ni Rendon Labador dahil daw sa pag-mass report.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel