Diwata, ibinida ang ipinaayos na kotse: "Salamat at naging bago yung sasakyan ko"

Diwata, ibinida ang ipinaayos na kotse: "Salamat at naging bago yung sasakyan ko"

- Ibinahagi ni Diwata ang napaayos niyang sasakyan sa Bacoor, Cavite

- Naikwento niyang bukod sa second hand lamang ito, marami raw ito noong gasgas dahil 'di pa siya noon marunong magmaneho

- Matatandaang mayroon pang isang bagong sasakyan si Diwata na isa sa mga natanggap niyang biyaya

- Isa na rin dito ang bagong branch ng kanyang Diwata Pares Overload na ngayo'y meron na rin sa Quezon City

Ipinakita na ni Diwata ang finish product ng ipinaayos niyang sasakyan sa Bacoor, Cavite kamakailan.

Diwata, ibinida ang ipinaayos na kotse: "Salamat at naging bago yung sasakyan ko"
Diwata (Diwata Pares Overload Official Account YT)
Source: Facebook

Kwento ni Diwata na bukod sa hindi talaga brand-new ang sasakyan gayung second hand niya ito nabili, nagkaroon na rin daw ito ng ilang mga gasgas at sira lalo na at hindi pa raw siya ganoong kahusay noon na magmaneho.

Subalit ngayon, tila dinaig pa raw nito ang isang bagong biling kotse, sa linis, sa kintab at sa napakahusay na pagkakagawa.

Read also

Yeng at Vice, nag-jeeppool karaoke; nagkwento ng ilang jeepney experiences nila noon

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Deo Jarito Balbuena na kilala bilang si Diwata at ang may-ari ng trending at pinipilahang Diwata Pares Overload. Bukod sa abot kaya ang kanyang paninda ay sulit din ito at nakakabusog ayon sa kanyang mga naging customer at bumabalik-balik sa kanyang kainan.

Sa isang post ni Rosmar Tan, todo puri niya si Diwata na masarap umanong tulungan dahil hindi raw ito abusado. Matatandaang ang CEO na si Rosmar ang siansabing may pinakamalaking naibahaging biyaya kay Diwata na umabot ng milyon-milyon ang halaga.

Hindi naman nalalayo ang naging komento ng respetadong aktor at direktor na si Coco Martin na hanga umano kay Diwata na aniya'y masarap tulungan dahil sa pagiging likas din nitong kabaitan. Sa isang interview sa kanya ng ABS-CBN, naikwento ni Coco kung paano niya nakuha si Diwata upang maging bahagi ng FPJ Batang Quiapo. Bagama't kabado sa umpisa, kinakitaan niya ito ng dedikasyon at determinasyon dahilan para maging regular na umano ito sa naturang serye na tulad ng pares ni Diwata ay pinakaaabangan din ng marami.

Samantala, Dinagsa ng marami ang grand opening ng Diwata Pares Overload branch sa Quezon City. Ibinahagi ni Diwata ang mga kaganapan bago pa man magsimula ang munting programa sa pagbubukas ng nasabing branch. Ipinasilip din niya ang mga bago sa menu ng Diwata Pares Overload. ilan sa mga ito ay 'Diwata Sokoleyt overload', 'Diwata Hotdog Overload', 'Diwata Family Siken' at 'Diwata Spagiti Overload'.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags:
Online view pixel