Nash Aguas, nag-propose kay Mica Dela Cruz kahit hindi pa sila nagkabalikan

Nash Aguas, nag-propose kay Mica Dela Cruz kahit hindi pa sila nagkabalikan

- Aminado sila Mika Dela Cruz at Nash Aguas na hindi naging madali sa kanilang ang kanilang paghihiwalay

- Gayunpaman, ginawa daw nila ito upang mas mapalapit sa Panginoon

- Lahat ng nangyari sa kanila ay ipinagpapasa-Diyos nila at kung an ang mensaheng pinapaabot sa kanila sa pamamagitan ng bible verses

- Nang masiguradong si Mika ang itinakda sa kanya, hindi na raw nagsayang ng oras si Nash at Nag-propose kay Mika kahit wala siyang nakahandang singsing at hindi pa nila napag-usapan na magbabalikan sila

Nabahagi nina Nash Aguas at Mika Dela Cruz na nag-propose si Nash kay Mica kahit hindi pa sila nagkakabalikan bilang magkasintahan. Aminado ang dalawa na hindi naging madali ang kanilang paghihiwalay, ngunit ginawa daw nila ito upang mas mapalapit sa Panginoon.

Nash Aguas, nag-propose kay Mica Dela Cruz kahit hindi pa sila nagkabalikan
Nash Aguas, nag-propose kay Mica Dela Cruz kahit hindi pa sila nagkabalikan
Source: Youtube

Ipinagpapasa-Diyos nila ang lahat ng nangyari sa kanilang relasyon, at patuloy silang humahanap ng gabay sa pamamagitan ng mga bible verses. Sa kabila ng mga pagsubok, pinanatili nilang matatag ang kanilang pananampalataya.

Read also

Mika dela Cruz at Nash Aguas, itinagong nagkahiwalay sila ng anim na buwan

Nang masigurado ni Nash na si Mica ang itinakda para sa kanya, hindi na siya nagsayang ng oras at agad na nag-propose kahit wala siyang nakahandang singsing. Hindi rin nila napag-usapan ang muling pagbabalikan bago ito nangyari.

Ang kanilang kwento ay patunay na ang tunay na pag-ibig ay hindi nasusukat sa mga materyal na bagay, kundi sa tiwala at pananampalataya sa isa't isa at sa Diyos.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Naging bahagi ng showbiz si Nash sa kanyang edad na limang taong gulang sa noontime variety show MTB, matapos niya sumali sa paligsahan sa Batang F4 ng programa. Noong 2004, sumali siya sa talent search ng ABS-CBN na Star Circle Quest, kung saan nanalo siya ng titulong "Grand Kid Questor". Kilala siya bilang mainstay sa Sunday comedy gag show na Goin 'Bulilit.

Matatandaang ibinahagi nina Nash at Mika ang kanilang reaksiyon habang pinapanood ang mga lumang videos nila. Ang mga videos na ito ay kuha noong maliliit pa sila at magkasama sa show na 'Goin' Bulilit.' Hindi napigilang matawa ng mga ito nang muling makita ang kanilang kakulitan bilang mga bulilit. Marami naman ang kinilig dahil kahit noong bata pa lang sila ay makikita na ang kanilang pagiging malapit sa isa't-isa.

Samantala, pinabulaanan ng ina ni Mika ang bali-balitang nagdadalantao umano si Mika. Kasunod ito ng paglabas ng picture nina Mika at Nash kamakailan na kuha sa kasal ng kapatid ni Mika. Ayon sa ina ni Mika walang katotohanan iyon at matagal na itong pang-iintrigang ito sa kanyang anak. Aniya, kung totoo ito ay dapat nanganak na si Mika dahil sa hindi pa rin natitigil na isyung ito.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Tags:
Online view pixel