Grand Opening ng Diwata Pares Overload sa Quezon City, dinagsa

Grand Opening ng Diwata Pares Overload sa Quezon City, dinagsa

- Marami ang dumalo sa grand opening ng Diwata Pares Overload branch sa Quezon City

- Matatandaang kamakailan ay ipinasilip din ni Diwata ang soft opening nito

- Spotted din sa naturang okasyon ang ilang mga kilalang personalidad tulad nina Ara Mina, Rendon Labador at Rosmar Tan Pamulaklakin

- Ipinakita rin ni Diwata ang mga karagdanan sa kanyang menu na tiyak na tatangkilikin din umano ng marami

Dinagsa ng marami ang grand opening ng Diwata Pares Overload branch sa Quezon City,

Grand Opening ng Diwata Pares Overload sa Quezon City, dinagsa
Diwata (Diwata Pares Overload Official account YouTube)
Source: Facebook

Ibinahagi ni Diwata ang mga kaganapan bago pa man magsimula ang munting programa sa pagbubukas ng nasabing branch.

Ipinasilip din niya ang mga bago sa menu ng Diwata Pares Overload. ilan sa mga ito ay 'Diwata Sokoleyt overload', 'Diwata Hotdog Overload', 'Diwata Family Siken' at 'Diwata Spagiti Overload'.

Samantala, sa Facebook page ng CEO at social media personality na si Rosmar Tan Pamulaklakin. ibinahagi niya ang mga nakasama nilang sumuporta sa pasinaya na ito ni Diwata.

Read also

Vice Ganda, may makulit na nabanggit sa umano'y love life ni Kathryn: "Wala akong sinasabi!"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa larawan, makikita rin sina Ara Mina at maging si Vice Mayor Gian Sotto ng Quezon City ay naroon din na kasama pa ni Diwata sa ribbon cutting.

Nabanggit din ni Diwata na simula na ito ng pagpapalawak niya ng kanyang branches sa buong bansa.

Narito ang ilang mga kaganapan sa nasabing grand opening na mula sa Diwata Pares Oveload Official YouTube:

Si Deo Jarito Balbuena na kilala bilang si Diwata at ang may-ari ng trending at pinipilahang Diwata Pares Overload. Bukod sa abot kaya ang kanyang paninda ay sulit din ito at nakakabusog ayon sa kanyang mga naging customer at bumabalik-balik sa kanyang kainan.

Sa isang post ni Rosmar Tan, todo puri niya si Diwata na masarap umanong tulungan dahil hindi raw ito abusado. Matatandaang ang CEO na si Rosmar ang siansabing may pinakamalaking naibahaging biyaya kay Diwata na umabot ng milyon-milyon ang halaga.

Read also

Kathryn, ibinahagi ang mga ganap sa buwan ng Mayo: "Ready for you now, June!"

Hindi naman nalalayo ang naging komento ng respetadong aktor at direktor na si Coco Martin na hanga umano kay Diwata na aniya'y masarap tulungan dahil sa pagiging likas din nitong kabaitan. Sa isang interview sa kanya ng ABS-CBN, naikwento ni Coco kung paano niya nakuha si Diwata upang maging bahagi ng FPJ Batang Quiapo. Bagama't kabado sa umpisa, kinakitaan niya ito ng dedikasyon at determinasyon dahilan para maging regular na umano ito sa naturang serye na tulad ng pares ni Diwata ay pinakaaabangan din ng marami.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica