Eric Fructuoso, ibinida ang kanyang anak na nagtapos bilang Valedictorian
- Humakot ng maraming medalya sa kanilang graduation ceremony ang anak na babae ni Eric Fructuoso
- Sa Instagram post, ibinida ni Eric ang larawan ng anak na si Una Fructuoso na may suot-suot na sandamakmak na medalya
- Tumanggap ng “High Honors” at itinanghal na Valedictorian si Una, ayon sa post ni Eric
- Maraming netizen ang humanga at nagpahayag ng kanilang papuri sa anak ni Eric
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Humakot ng maraming medalya sa kanilang graduation ceremony ang anak ni Eric Fructuoso, na si Una Fructuoso. Ang proud na ama ay agad na nagbahagi ng sweet na larawan nilang mag-ama sa kaniyang Instagram account.

Source: Instagram
Sa larawan, makikita ang batang si Una na nakasuot ng toga at may bitbit na sandamakmak na medalya. Ayon kay Eric, ang kaniyang anak ay nakatanggap ng “High Honors” at itinanghal na Valedictorian ng kanilang batch. “With ‘High Honors’ my Valedictorian, my baby girl, Una Fructuoso,” ani ng aktor sa kaniyang caption.
Hindi rin napigilan ng mga netizen na magbigay ng kanilang mga papuri at paghanga sa anak ni Eric. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
“hakot Awards! Congratulations Ganda!”
“Grabe ang galing!”
“Congratulations wow pakyaw sa medals…Galing.”
Maraming netizen ang natuwa sa tagumpay ni Una at sa suporta ng kaniyang ama.
Muli, isang malaking congratulations kay Una Fructuoso at sa kaniyang ama, si Eric Fructuoso, sa kanilang tagumpay!
Si Eric Fructuoso ay isa sa mga kilalang Filipino actor, comedian at negosyante. Gumawa siya ng pangalan sa showbiz mula noong 1990s kung saan bahagi siya ng grupong 'Gwapings. Ilan sa mga naging proyekto niya kamakailan ay ang “FPJ’s Ang Probinsyano”, “Kadenang Ginto”, at “24/7”.
Matatandaang binahagi ni Eric ang tungkol sa paghihiwalay nila ng kanyang asawa. Sa panayam ni Ogie Diaz ay ibinahagi niya ang kanyang pinagdaanan nang magkahiwalay sila. Naganap ang paghihiwalay nila sa kasagsagan ng kanyang pagtatrabaho bilang isa sa cast ng Kadenang Ginto. Naibahagi niyang nakitira lamang siya sa kaibigan at palipat-lipat siya ng tirahan noong naghiwalay sila ng asawang si Gian.
Buong pagmamalaking ibinahagi ni Eric ang kanyang apo sa kanyang social media post. Ibinida ng aktor sa kanyang Instagram post ang kanyang unang apo na kanyang tinawag na Leo . Bumuhos naman ang pagbati para sa aktor na hindi maitago ang kasiyahan sa pagkakaroon ng apo sa kanyang edad na 45. Si Eric ay unang nakilala sa showbiz noong 1990s kung saan bahagi siya ng grupong 'Gwapings'.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh